Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
SEARCH THIS SITE FOR HOUSE DESIGN, OVERSEAS FILIPINO NEWS, FREE ONLINE STUDIES, CASH LOANS and BANK LOANS, PROPERTY FOR SALE, HOUSE AND LOT, FORECLOSED, CARS FOR SALE and anything beneficial for the Filipinos at home and abroad
Advertisement

Wednesday, March 26, 2014

MAKAKAPAGLOAN NA ANG MGA OFW BAGO UMALIS NG BANSA?


CREDIT LOAN SA MGA OFW BAGO UMALIS NG BANSA, SINUSULONG!


Isinusulong sa Kamara at Senado ang batas na ang mga Overseas Filipino Worker bago makaalis ng bansa ay makapagloan ng kaukulang halaga mula sa OWWA o Overseas Worker and Welfare Administration para may magagastos ang pamilya nito sa at least unang tatlong buwan ng kanyang pagtratrabaho sa ibang bansa.

Sa Senado, ito ay authored by Senator Cynthia Villar, na may Senate Bill No. 507 o tinatawag na “Act of Establishing a Credit Assistance Program for Overseas Workers” na kung saan ang isang OFW ay pwedeng makapagloan ng maximum na halagang P50,000 at ang requirement ay kopya ng contract na validated ng recruitment agency at POEA at certificate mula sa POEA na nagpapatunay na qualified ang isang OFW na mangutang.


Sa Kamara, sinusulong ng anak ni Sen Villar na si Congressman Mark Villar ng Distrito ng Las Pinas ang House Bill 3197 na may ganung purpose, ang makapagloan ang isang OFW bago makaalis ng bansa at dapat bayaran ito sa loob ng 1 hanggang 2 taon at may interes na hindi hihigit pa sa 6% porsyento kada taon.

Maliban sa WORK CONTRACT, at CERTIFICATE mula sa POEA, kopya ng PLANE TICKET NA PAALIS NGA ITO NG BANSA ay kailangan rin na ang isang OFW na magloloan sa OWWA ay may BANK ACCOUNT at dito kakaltasin ang buwanang hulog para bayad sa loan.

Daang-daang libong OFW ang umaalis ng bansa kada taon, sa Saudi Arabia pa lamang, nasa 200,000 na ang pumapasok sa bansang Saudi kada taon. Malaking tulong ito para sa mga OFW na paalis ng bansa para pambayad sa kanilang placement fee at iba pang gastusin bago umalis ng bansa.
©2014 THOUGHTSKOTO