PEBA 2011 Blog and Photo Awards

PEBA 2011 Blog and Photo Awards, 5PM, 9th of December 2011, Ayala Trinoma Activity Center. Also brought to you by NOKIA Philippines and Globe Kababayan by Globe Telecom

Monday, August 31, 2009

Dear Arvin De La Pena, Lessons 101 For You

Ang post na ito ay payong kapatid, payong kaibigan, payo bilang isang blogero, payo bilang isang KABLOGS.


Denelete or nakaunpublished na ang post mo na "Mukhang Pera" na nagdulot ng pangit na karanasan sa atin. Gusto ko bilang matanda sau, oo inaamin ko, matanda ako sau ng three eight and one fourth na matutunan mo ang mga simpleng aral na ito sa mundo ng blogging.




1. Ang mga bullet messages sa Cbox ay nagpapahiwatig na ang bumibisita sau ay maaring nagmamadali, hindi makapagbasa ng post or simply walang interest sa blog mo o ayaw makipagkaibigan sau, maliban na lang kung kilala mo na ang tao na yun. Magcomment ka sa comment page or comment box, nakakatulong ka pa sa blog owner, nakikita ka sa Google Search Engine, nakakadagdag ng pogi points sa profile views at higit sa lahat nababasa ang mensahe mo kaya pag may nagkagusto ng comment mo, napupunta sa blog mo at nagbabasa ng mga gawa mo.


Bakit nga ba masarap ang naka-base or nakauna sa pagcocomment ng post ng ibang blogero? Kasi unang-una nababasa ang comment mo ng lahat ng magcocomment dito at higit sa lahat naeexpose ka sa madlang blogero kaya traffic increases also.



2. Wag kang magsalita ng mga masasagwa or nasty comments sa comment/post mo. Maaring bastos ang ating ugali or pag-iisip pero I am honestly, easily offended ng mga mura or pagmumurang salita, or beyond decency na mga lengguwahe. Katunayan, kapag may nababasa ako na post na nagmumura nasasaktan ako. Namimili ako ng mga binabasa or bloghop at nililink sa sidebar ko. Wholesome is always awesome sabi nga nila. Para sa akin, ang gumagamit ng mga swear or foul words, mga bastos at nakikita or nababasa sa mga vulgar na pahayagan at magazine ay isang indikasyon na mahina ang vocabulary at discipline ng isang tao. At kapag dumating ang panahon na at lost of words, yun lang ang lalabas sa bibig.



3. Gawin mo na lahat. Alipustahin mo ang blog ko, magpatumbling-tumbling at split ka, pero wag kang mandamay ng pamilya or manira ng reputasyon. Hindi ko alam kong anong magagawa ko kapag pamilya ko ang dinamay mo. Katunayan kaya ako nagmumukhang pera at nagkakandahirap-hirap dito sa Saudi dahil sa pamilya ko. Kaya ako nagtitiis dahil sa pamilya ko. So, sa ngalan ng pamilya, utang na loob, please kapuso, wag mong idamay ang mga walang malay lalo na sa blog or sa comment or kahit saan sa internet.



4. Huwag mong gawing katatawanan or bastusin ang 12 milyon katao na sandigan ng pamilya, kinabukasan at ng bayan mo. Ang OFW ay tatlong letra lamang pero may malalim na kahulugan. Kung isa kang ex-OFW, alam mo yan, kung wala kang relative na OFW, dapat kang makiramdam.



Inaamin ko hindi perpekto ang mga OFW. May mga taong nagiging infidel or nangangaliwa, may mga taong nagiging gahaman, sakim at nagiging mukhang pera. May mga OFW na parang mga alamang ang ugali, kapag ikaw ay naging successful or naging maayos sa trabaho, naghahalo ang balat sa tinalupan sa inggit, paninira at tsismis at kulang na lang ipako ka sa krus. May mga OFW na hindi masaya kapag nagiging matagumpay ka. May mga OFW na hindi nalulungkot kapag nagkamali or nagfail ka. May mga OFW na nangingiti kapag nag-iisa kapag na-badluck ka.



Pero iilan lang sila. Sa limang taon kong pamumuhay at paghihirap sa mainit na disyertong ito, sari-saring kwento at karanasan ang aking narinig at nakita. Ang OFW para sa akin ay mga taong may pangarap sa buhay. Ang pangarap para sa sarili at kinabukasan ng pamilya na siyang nagtutulak para magtiis, that's where they draw strength to fight the terrible loneliness, and carry on even the most menial tasks at hand.



5. Ang pagbloblog ay hindi kahit kelan man sinusukat kung gaano ka na katagal sa lansangan. 2005 pa ako nagsimula, pero marami pang akong natututunan at gustong matutunan, para pa rin akong Grade 6 kung magblog. Gusto kong magblog dati para magsilbing inspirasyon ng aking mga mahal sa buhay at kaibigan, pero natalo ako ni The Pope ng Palipasan at ni Bhing ng Gumamela sa Paraiso sa KABLOGS AWARD ng most Inspiring Blog. {hehe, sorry kanya-kanya pala tayong diskarte dito sa mundong ilalim, kaya di pala ako natalo, naungusan sa ganda ng mga post} Mga blog na halos wala pang isang taon pero magagaling at nakaka-antig ng damdamin. Kaya wag tayong magmayabang na matagal na tayong nagbloblog, tuloy lang tayo sa pagbibigay sigla at pagsilbing inspiration sa ating mga kababayan, nakakalibang, nakakapagbigay-alam, at nakakapagpadami ng kaibigan.



Iilan lang yan sa mga lessons na dapat nating matutunan, Arvin de la Pena. I wonder if one day, magcocomment ka rin sa comment box ko. Yung matino ah. Yung ayun sa post ko, yung related sa entry ko na toh.



Walang halong biro, sumulat ka ng maayos, matino, magaling, na walang inaapakang tao at walang sinasaktang damdamin, lalo kang sisikat.



©2009 THOUGHTSKOTO

Sunday, August 30, 2009

My BANK Savings (ATM) is Dead Daw!?

Anong gagawin mo sa banko mo kung nalaman mo na yung SAVINGS BANK ACCOUNT mo was declared Dead or dormant by the teller?




The past few days medyo nagulo ang tahimik naming buhay dito sa Thoughtskoto nung malaman namin na ang savings account namin ay dead na daw when someone tried to deposit money from the Philippines. Dead? Hindi na daw madeposituhan? Wahhhhh!



Itong ATM SAVINGS ko na ito, matagal ko ng ginagamit toh. Nung January 2009 pinapalitan ko sa bank representative from here kasi naputol/nahati siya. Pinalitan naman after a month. Di ko pa maipakita ang ATM at accounts at name ng bank kasi secret muna while we are trying to recover it. Anyways, nareceive ko ang replacement February 2009. Since then we been depositing money there without asking how much is the amount or current balance, or checking it sa ATM or teller na representative nila dito.



We only found out a week ago! Nakupoooo, nakakatakot kasi andun ang savings namin!


Milyones? Hindi naman.


Libo-libo? Sige na nga. Walang uutang ha.



Pero nakakatakot pa rin.



Nung nagtry magdeposit yung kakilala namin sa Pilipinas, ang sabi daw ng teller, dead na yung account? Ha? bakit every month kami dito nagdedeposit?



Huwaaaaat?



Eh last month kadedeposit ko lang ng ilang libong piso sa Enjaz!



Sabi nung banko where I deposit (ENJAZ), hindi seguro dead ang account kasi our system accept it naman. Once it is dead, it will not be receive by the system and it will be declared dead yung account.



Sabi naman ng Bank Representative dito, enimail niya na ang Main Office sa Manila and ininquire bakit ganun at ano ang nangyari. I have the receipts of the deposits also galing sa remittance bank to verify na we really deposited money.




When I also checked it sa ATM dito, although may charge nga lang na P100 pesos, cannot recognize nga daw ang ATM ko. Wahhhh.



Ang duda namin, baka nung pinalitan ang ATM ko, hindi nila nareactivate ulit.




Mamaya pupuntahan namin ang Bank Representative dito at ilang araw na wala pang reply sa Email ko.




What happen? May chance pa kaya marecover yung pera namin?




Anong gagawin namin? Huhuhu!


©2009 THOUGHTSKOTO

Thursday, August 27, 2009

The Package Has Arrived!

Naalala niyo pa ba ang Trident "A Little Piece of Happy" and Sinuate Media?

Sila yung initially magsponsor daw ng PEBA.

Akala ko nuon, biro-biro lang, but yeah, it is true.

This is the initial package na pinadala ni Andrew and hope magpadala pa siya for more. I am also forwarding him the copy of the PEBA Sponsorship PACKAGE para sa mga clients nila.

Andrew, I know you are reading this, and thank you very much! Looking forward for a partnership with you and Sinuate Media.

Ito ang mga laman sabi ni Pete, ang PEBA Guy sa Metro Manila.
Interesado ka ba anong makukuha ng mga sponsor ng PEBA at anong mangyayari sa awarding night?

Well, click THIS and this will download the sponsorship package Final Draft and Unofficial pa pero atleast makakatulong na kayo maghanap ng potential contact persons and potential sponsors.

We are all in this together di ba?

We hope to tap companies and politicians so we can gather the amount to cover for the expenses. I am honestly not sure where this will lead us, but help us in this endeavor. Pag may contacts ka, at may kakilala ka, email PEBA or email us, anything in kind, in cash na Sponsorship will do.

But with the caliber of people I am working with in PEBA, I have tremendous hope and enthusiasm na yakang-yaka ito. Kaya ito na po tayo Go PEBA! go! go! Sago!


©2009 THOUGHTSKOTO

Tuesday, August 25, 2009

BAKIT MAKITID ANG UTAK MO? (Edited)

Paumanhin: I have been vocal in replying to blog and post that are highly critical sa mga OFW's. Hindi ako naghahanap ng gulo, at mas lalong ayaw ko ng magulo, pero may mga sitwasyon na hindi lang hinahayaan. Pagbigyan niyo na ako, baka mapapagod din ako kalaunan.


Inaamin ko na I am"mean" sometimes especially when retaliating to post against sa mga OFW's. Ipinanganak ako at lumaking kanto boy sa Mindanao sa bayan ng Cotabato, pinalaki ng Nanay sa General Santos na may respeto sa kapwa, at tinuruan ng magandang asal at kabutihan, kaya lang may pagka kanto boy pa rin. At kung ang tema ng iyong post ay may halong walang modo, kabastusan at walang respeto, kita kits tayo sa kanto.


Ang mababasa niyo sa ibaba ay isang kwentong parody or satire in response to Arvin de la Pena post na "Mukhang Pera". This post was voluntary deleted by the Blogger mentioned above.

88888888888

Naguusap kami ng Production Manager ng planta namin nung bigla may dumaan, si Boy Bawang. Sabi niya bisitahin mo nga ang blog ko, nagpost ako about OFW. Magaling si Boy Bawang, parang si Boy Buang. Ang kaibahan lang nila, si Boy Bawang papak ng papak ng mais samantalang si Boy Buang may pagkaabno minsan. Epekto seguro nung tumalon sa tulay dahil sa hindi sinagot ni Paris Hilton. Dun pala galing ang bansag na "Buang".


Balik tayo kay Boy Bawang. Magaling pala si Boy Bawang sa tula. Parang ganito lang yun. "Ako'y tutula, mahabang-mahaba, ako'y uupo, pagkat natuliro. Tapos na po, bow!" Katunayan, maraming tula niya ang napublish sa mga dyaryo kagaya ng BAHAG, KULANGO, at TULANGGONG. Karamihan sa mga tula niya ay alay niya sa mga naggagandahang babae sa internet o sa school. Mas magaling daw siya gumawa ng tula kapag lasing, kaya wag ka nang magtaka kung minsan parang nasa kubeta ka kung nagbabasa ka.


Binasa ko ang post niya, kahit napakahaba, binasa ko kasi sinulat pa daw iyun back to back sa papel at saka may kinalaman sa OFW. Pinaghirapan niya at nakaubos ng ilang sakong mais hanggang maging utak mais na siya. Halata naman sa sulat niya, di ba. Sabi ko sa Production Manager namin na si Mang Manny, "Sir, pakibasa mo nga."


Matiyagang nagbasa si Mang Manny, at pagkatapos ng halos sampung minuto, nagwika ng mga salitang nakakagulat or nakakatawa. Parang si Boy Bawang at Boy Buang, iisang mukha, dalawang pag-uugali at pag-iisip.


"Pakisabi nga kay Boy Bawang, manalamin muna siya, kung ako na mahigit sampung taon na dito sa Saudi ay nagsusumikap para mapagtapos ang tatlo kong anak ay tatawagin niyang mukhang pera, ang tawag ko naman sa mga katulad niya mukhang AMAG!"

Medyo highblood na kasi si Mang Manny, tatanungin ko sana kung anong ibig sabihin ng amag, kung ito ba’y fungi, or molds, kaya sagot ko na lang.

"Sige po, sasabihin ko."

Nung lumabas na si Mang Manny ng opisina ko ay binasa ko ang email ni Ate Trisha, isang Caregiver sa Canada. Nabasa niya na rin pala ang post sa blog ni Boy Bawang.


Ito ang excerpt sa email niya.

"...abi nimo Dong, murag nakahilak ko sa iyahang istorya kabahin namong mga caregiver bah. Lisod kaayo oi. Pero duda nako naa na si Boy Bawang sakit, polar disorder man tingali tawag ana. Kasabot man sad kog tagalog oi, pero bastos man to iyahang istorya na dili man unta isulat. Anyway, dili nako magdugay Dong, pasagdi na lang na siya kay basura man ng iyahang mga post, bati bitaw nag mukha oi..."


Naawa ako kay Ate Trisha, kaya sabi ko sa email-reply ko, pwede mo seguro isend ng link ang Caregiver Association of the Philippines, at mga Nurses Association para ipabasa sa kanila, pati ang school kung saan galing si Boy Bawang kasi nagooffer din sila ng Caregiver at Nursing courses and tingnan natin kung anong masasabi nila sa malaswang kwento na ito.


Nanlumo ako sa aking nabasa actually. Hayag na kabastusan na walang puwang sa blog. Nagpapakita ng tunay na laman ng isip (kung may isip) at utak (kung may utak). Ang tawag namin nun sa Bisaya, "utak bolinao" yung mga maliliit na isda, ayun, dilis nga. Utak dilis pala.

Mag-anchovy salad ka na lang.

Alam mo may suggestion ako, Boy, why don't you take an IQ test online?

Dito oh.


Bumaba ako ng laboratory at nag-ikot sa production area habang nasa isip ang mga katagang sinulat ni Boy Bawang sa kanyang kwentong Face Money or Money Face...well {mani-pis}. Naalala ko tuloy si Binoy Pinya , isa rin daw yung basura blogger, kasi ang mga post niya basura, as in wala daw talagang kwenta, at bawat post niya umiikot yun sa buong world wide web para ipaalam na may post siya.


Halimbawa:

"may bago akong tula tungkol sa dalawang babaeng mahal ko sa blogosperyo"

Ang tawag sa blogger na umiikot at nagiiwan ng mga komentong ganyan ay

desperado, makitid ang utak, utak dilis nga eh!


ito pa...

"napost ko na ang kwento ko tungkol sa balakubak ko sa ulo at kung bakit may mga lisa ang mahaba kong buhok"

ang tawag dyan sa mga ganyang mga blogger na iikot sa blogsoperyo at proud sa balakubak at lisa - ipokrito at walanghiya o walang modo.


ito last na lang.

"napost ko na ang tungkol sa pagkamatay ng miyaw ko, magdala ka ng tissue at baka mapaluha ka pag binasa mo"

Kapag gusto mo daw magkaroon ng mga mambabasa at magcocomment sau, magcomment ka rin sa page nila. Bihira akong magcomment sa Cbox. Sa mundo ng blogging, give and take. Comment ka, comment ako. Hanggang sa mahook ako sa mga panulat mo, maging magkaibigan tayo. Hindi na parang nagiiwan ka ng instruction sa Cbox ng iba na basahin ang post mo na walang kwenta!


WAHID ITNIN TALATA

كما تعلمون ، أن تضيق من الدماغ ، وبعد مواجهة مثل العفن. وينبغي أن المدونين المتعفنة مثلك ، والقمامة وظيفة ، nilulublob الطين ، وكنت في مثل الجاموس.

المؤسف أن يفكر كما أنت. القمامة التي تقوم بكتابتها ، ولكن يبدو أنها تريد أن يلمع ، كنت تماوج أن الثوم


Translate ko na lang ha.

Anta Mok Mafi. La, mafi, monkin, anta mok taban, monkin karban. Inta kalam alatol kulo OFW sim sim sekol pulos? Anta karban, monkin, anta mafi pulos badin anta katir like pulos, monkin anta mafi akil. Bagaysaunilublubsaputikanparamatauhan.

Is muskil? Inta mafi malum Filipini katir kuayes? anta maginon. badin anta harami. Katir harami anta. Shup, inta sekol sim sim karban.


Kilala niyo na siya kung sino siya? Ilang beses na siyang nagiwan ng mensahe sa akin na i-add ko siya sa sidebar ko. Pero sorry, namimili kasi ako ng nilalagay ko sa sidebar ko. Boknoy, pasensia na boks, di ko type maglagay ng link sa mga post na tula-tula na may picture ng mga babae kahit ako ay tinaguriang makata ng school ko ng high school, at naging literary editor ng college. May mga manunula sa blogosperyo na magagaling, nakakabagbag-damdamin, nakakapagpagana ng kaisipan. Pero sory di ko type ang mga tula mo, mas lalo na kapag ang post mo ay hayag na pambabastos sa mga kagaya kong OFW.

Para sakin, isa kang basurang blogero, and hindi ako naglilink ng basurang post. Katunayan ito lang na post mo ang binasa ko. Ang post mo na ito na Mani pis. Kasi para sakin, nilait mo ako, kinutya, sinaling, at nilapastangan. Bulok na mga posting na gawa ng bulok na blogero na maaring pinalaki or lumaki sa bulok na pamamaraan.

Marami kang napublish na mga gawa sa dyaryo ? Well, sikat ka sa labas. Bulok sa loob.

United we fight this, full details at Palipasan.

Bizjoker also here, Gumamela sa Paraiso here, Dungeon here, Batang Henyo here

Azel at Mapanuring Panitik, and Jee of Wits Expression

Also here at Desert Aquaforce and Dating Tambay, KosaPogi Kupal here

Pamilyang Mukhang Pera


Dear Arvin De La Pena, Lessons 101 For You



©2009 THOUGHTSKOTO

Monday, August 24, 2009

Generous Lady Donate to KABLOGS

a

generous lady

who does not want

to be named

donated

6,300 pesos as seed money for

KABLOGS.

I'll give you a clue:

She is a blogger.

She is beautiful, inside and out.

She is an OFW.

She is a member of KABLOGS.

Ayaw niyang magpakilala

baka dumami ang kaibigan niya. haha

Thank you so much!

I am sure LordCM, and the Pope is very happy

at sila Jen, Jee at Deth bilang mga

Chairwoman ng projects.


Soon a donate button will be displayed in the KABLOGS site as well as in our sidebars.

Ang piso ni Poging James

and halala dito sa Saudi,

at cents sa US at Canada

at saan mang panig ng mundo

ay maiipon

and donate it to KABLOGS Charity.


SALAMAT GENEROUS LADY!

Para sa mga gustong magdonate, ask LordCM or the Pope for the account info or email kablogs123 at gmail dot com Hindi ito palakihan ng amount, si God na po bahala sa inyo, although we will have a running text to display sa KABLOGS site thanking yung mga donors and the amount na dinonate nila.


Sana magdonate si Manny Villar, si Mar Roxas, or si Manny Pacquiao. hehe

©2009 THOUGHTSKOTO

Sunday, August 23, 2009

Dear Mike Avenue, Naintindihan na Kita

Mahigit tatlong oras tayong nagusap at matiyaga mong sinagot ang lahat ng aking katanungan. Salamat din for accepting my apology for over-reacting sa mga post ko na "Dear Mike Avenue" at "Epistaxis" in rataliation sa "Tsokolate" at "Daga" mo na mga post down to your comment at DungeonLord and PALIPASAN.

I encourage you to open your blog again, and remain the Mike Avenue that we know, inspiring and a very good writer...and let us bury the past as we face the future together as KABLOGS, friends and brothers.


Anonymous Mike Avenue said...


Isang taos pusong pasasalamat din sa iyo at sa lahat.

Mike Avenue


Mike said...

PS

Paghingi ng tawad sa lahat...The Pope, Kenji at Wife, Lord CM, Yanah, NJ, Kablogs, all OFWs, at sa iba pang nasaktan sa mga artikulo.

Makakaasa kayong hindi na mauulit ang ganitong pagkakataon. Maraming salamat at pagpalain kayo ni Bathalang Dakila.

Mike Avenue
August 23, 2009
Sunday, 11:59 am

Mr. Thoughtskoto said...

If the above comment is heartfelt and sincere, I am human, and a sinner too. Me, my wife and the Thoughtskoto (family) forgive you and welcome you as one of (our) friends.

I thank and admire the man who become the instrument of this meaningful and heartwarming reconciliation. Pope, thank you so much, you and your family makes us proud.

Mike Avenue said...

Salamat, Mr. Thoughtskoto.

***********************


The title is link to the Pope's PALIPASAN, the site where

Mike Avenue posted his comment..


If you are an OFW, please direct your comment to PALIPASAN's entry.

©2009 THOUGHTSKOTO

Saturday, August 22, 2009

Mix Mix (Halo-Halo)

ATTACK on KABLOGS TWIN TOWERS

Kasalukuyang nahinto ang pagsasaya namin dahil sa attack sa mga lider ng KABLOGS.

CM bilang Presidente, at THE POPE bilang Bise-Presidente at Adviser

Kung click mo ang mga link na yan, didiritso ka sa mga post na may comment ng paninira at pagmumura.

I am shouting FOUL!

Siraan at kutyain mo na lahat, pagtawanan mo ang grammar ko, pero, PLEASE, please lang, wag mo naman idamay ang Paniniwala ko sa Diyos at higit sa lahat ang pamilya ko. Kasi kapag pamilya na ang sangkot, i have the right to protect and if necessary fight back with full force.

Anyway nagkaayos na daw sabi ni CM, and deleted na rin ang comment ng sumulat ng mga foul and profane languages sa blog ni the Pope.

************************

NINOY

Kahapon, August 21 ay araw ng assasination ni Ninoy Aquino. Nakakalungkot gunitain, pero its like a celebration of the great life he lived, and the reason that he died is for us to enjoy the freedom we now live with.

Sana the life story of him and his wife will serve as a lesson for generations to come that there are people willing to die for Filipino's...and said that its worth it.

I dearly hold him as my hero, unang una dahil kabirthday ko, at pangalawa dahil through him, I learned to fight back and face even insurmountable and giant detractors basta we believe that what we are doing is right and true.

************************

RAMADAN KAREEM!

Ramadan na sa Muslim world. Ibig sabihin walang kainan sa daanan, sarado ang mga tindahan, mabagal ang lahat ng processing ng mga papeles kung ano man, at higit sa lahat babagal ang kilos ng lahat, maliban na lang sa mga sasakyan sa daan na ang lulupit sa tulin dahil gutom nga mga drivers.

Pero on the other hand, mura na ang mga bilihin, nagkalat ang sales at 50% discount.

Tipid, tipid...hehehe


Maraming salamat sa mga sumusuporta sa KABLOGS


©2009 THOUGHTSKOTO

Thursday, August 20, 2009

JOIN and CELEBRATE with PEBA, Inc!

Click this photo to join us in this momentous milestone in PEBA history.

JOIN US IN OUR ONLINE CELEBRATION

by leaving your comment to the PEBA HOMEPAGE

Yesterday, 18th of August 2009, is another milestone for the Pinoy Expats/OFW Blog Awards. We are officialy registered at the Securities and Exchange Commission as a non-stock, non-profit organization honoring the best and inspiring Pinoy Expats and OFW blogs and bloggers around the world!

www.bigoo.wswww.bigoo.wswww.bigoo.wswww.bigoo.wswww.bigoo.wswww.bigoo.wswww.bigoo.wswww.bigoo.ws

CLICK THIS BANNER BELOW TO JOIN THE CELEBRATION.

Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA)

©2009 THOUGHTSKOTO

Monday, August 17, 2009

LOVES KO 'TO (Kablogs Awardees)

WHAT'S THE DIFFERENCE BETWEEN PEBA and KABLOGS AWARDS?

Yes, they are just minor awards, PEBA will have the grandest award for all but KABLOGS wish to give citations and badges to bloggers not just the kabayan's but to kababayan's at the homefront as well. Kaya hayan, may OFW and Non-OFW bloggers. Next year KABLOGS will focus on bloggers na nasa Pinas pero supportive sa cause ng mga OFW's.

PEBA for OFW and EXPATS Bloggers

KABLOGS for NON-OFW Bloggers

HOW WE COME UP WITH THOSE AWARDS?

July to August, one month of nomination and selection from the KABLOGS list. The nomination was done by the Elite members of KABLOGS, after a Chat Conference explaining the criteria's of each category.

August 5, the judging committee collated the results from the nominators, each nominators giving percentage points to their nominees.

The nominee blog that has the highest percentage points won the award. We got as high as 649 points, and the lowest with 100 points among the winners.

August 10, CM as the Kablogs President, and George as the Vice President and I have the result. We are disqualified from the list of awardees. We go through the result one by one, and deliberated yung mga nagtie sa award, as well as yung mga doble-doble ang award.

This deliberation and chat conference started from 4PM and ended up to 10PM.

and its not done yet...

The next day we chatted again, and finally submitted the final copy to CM for him to turn over to the BADGES and AWARDS committee.

CONGRATULATIONS SA LAHAT NG NANALO!

We love you all!

KaBlogs WINNERS 2009


ACTIVE BLOGGER
MinDeth (OFW) (Deth)-------- Blagblagan (Non-OFW) (Stupident)

ANG GANDA MO!
Wit's Expression (OFW)(Dyi) -------Princess Journal (Non-OFW)

ANG GWAPO MO!
Klasrum Ni Pajay (OFW)----------A Journal of My Simple Life (Non-OFW)

ASTIG ANG BLOG MO!
The Chook-Minder's Quill(OFW)-------------Balut & Natto (Non-OFW)

COOL BLOG!
Life's a Piece of Keyk (OFW)-----------Hiraya (Non-OFW)

CREATIVE BLOG
"Panunumbalik ng Ulirat" (OFW)------------Sino Si Badong (Non-OFW)

CUTEST BLOG
Jen's Misadventures (OFW)---------The Coffee Chic (Non-OFW)

FRIENDSHIP AWARD
"Panunumbalik ng Ulirat" (OFW)-------Acongtatsulok (Non-OFW)

FUNNY BLOG
Hula Scoop atbp (OFW)-----------Tambay (Non-OFW)

GALING NG BLOG MO
Bizjoker-Of-The-Philippines (OFW)-------------KiddoMind (Non-OFW)

GREAT LAYOUT
Isla de Nebz (OFW)-----------Perspektib (Non-OFW)

INFORMATIVE BLOG
The Sandbox (OFW)----------Sino Si Badong (Non-OFW)

INSPIRING BLOG
Gumamela sa Paraiso (OFW)-----------A Journal of My Simple Life (Non-OFW)

KIKAY MO NAMAN!
The Pink Tarha (OFW)-------------The Coffee Chic (Non-OFW)

MAINSTAY BLOGGER
Manilenya (OFW)-------------Yanah's Life's A Twitch (Non-OFW)

MOST READ
Desert Aquaforce (OFW)---------I am Dencio (Non-OFW)

MOST VISITED BLOG
Trip Ni Kosa (OFW)---------Xprosaic's World (Non-OFW)

MS. CONGENIALITY
My Orange Vest (OFW)---------Ang Buhay Ay Parang Sine (Non-OFW)

PROMISING BLOG
Binkay.Net (OFW)-----------Perspektib (Non-OFW)

SIKAT KA MARE!
Francesca in France (OFW)-----------Yanah's Life's A Twitch (Non-OFW)

SIKAT KA PARE!
Poging (ilo) Cano (OFW)---------Ang Barakong Cup (Non-OFW)

SIMPLE PERO ROCK
Pamatay Homesick (OFW)---------Pin(k)oy (Non-OFW)

SOARING BLOG
Batang Henyo (OFW)----------Blagblagan (Non-OFW)

STUNNING BLOG
The Chook-Minder's Quill (OFW)----------I am Dencio (Non-OFW)

TOP COMMENTOR
Life Moto (OFW)---------"BADIK" (Non-OFW)


Bisitahin niyo po to get your award. Thanks CM for the great Effort!


©2009 THOUGHTSKOTO

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

©THOUGHTSKOTO