Saturday, November 14, 2009

SMILE, PACUTE!

From The Pope
Tama ka Lord, kung lahat ng tao sa buong mundo ay magkakaisa at sabay-sabay na mag-aalay ng isang minuto para sa kanyang pansariling kasiyahan, magkakaruon ng tunay at ganap na kasiyahan sa buong mundo for 60 seconds - sana'y magkaruon nga ng advocacy na 60 Seconds World Happy Day...Source

"Bakit hindi natin subukan? Sabay-sabay tayong ngumiti, tumawa o magpakasaya sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ng bawat isa. Kalimutan ang kalungkutan kahit isang minuto lamang.

Sa darating na December 08, 2009, 8PM Manila Time, sabay sabay nating tanggalin sa isipan ang lahat ng bumabagabag sa atin, mag isip ng masasayang bagay na pangyayari sa iyong buhay, at ngumiti na parang walang problema...kahit isang minuto lang...

Hinihingi ko ang tulong ng lahat ng mambabasa ng pahinang ito na ibahagi sa iba ang ISANG MINUTONG SMILE, sa pamamagitan ng paggawa ng artikulo sa inyong pahina o pag display sa inyong blog ng imahe na nasa taas, at i-link sa artikulong ito. At kung maipapasa nyo sa iba, mas maganda upang mas marami pa tayong mapasaya...

At kung ang mga blogerong nagse-celebrate ng kanilang kaarawan ay may Picture Greetings mula sa kanilang mga kaibigan, maaari rin po kayong magpadala ng ISANG MINUTONG SMILE Picture sa charliemontemayor@yahoo.com..Yun sanang pinaka da best nyong ngiti :) .. At susubukan ko pong magawan ng video at ipaskel sa aking pahina bago dumating ang 8pm ng December 08, 2009..."

Oo nga naman, bakit di natin subukan. Nakikiisa ang Thoughtskoto sa magandang adhikain na ito. Bukod sa Birthday ng lola at pinsan ko yan, at fiesta sa amin sa araw na iyan, Immaculate Conception naman sa mga kaibigan naming Katoliko, we have great reason to SMILE not just during that day, but everyday!

©2009 THOUGHTSKOTO

3 comments:

Lord CM said...

Wow!!Salamat dito pre...

Mas maganda nga kung araw araw nating maalalang mag-smile kahit saglit lang...un bang kahit anong problema ang kinakaharap natin eh smile pa rin tayo :)

A-Z-E-L said...

natatawa ako sa title ng post...

parang gusto kong i-pronounce na malakas.. tapos humihina.... lolz! (bad ako!)

basta ako.. lagi akong naka-ismayl! lalo na pag walang kuryenteeeee! :D

♥superjaid♥ said...

basta ako laging nakasmile..hehe ^__^

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

©THOUGHTSKOTO