Monday, October 19, 2009

Prayer for Lifemoto

Lifemoto is a friend of Thoughtskoto.

Akala ko okay lang ang lahat. Nung umulan ng pagkalakas-lakas, kasama pala ang bahay mo sa Marikina na pinasok ng tubig at nilubog ang mga ari-arian, at mga mahahalagang gamit na naipundar na.

Akala ko ang mga posting mo about sa hotline numbers at mga pictures ng baha ay okay lang sa inyo. Ngayon, ngayon ko nalaman na naiwan ang mag-ina mo sa bubong ng inyong bahay at takot na takot ang bunso mong anak dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.

Nalulungkot ako. Nalulungkot kami dito sa Thoughtskoto.

Pero dahil sa iyong matatag na pananampalataya, hinayaan mong tangayin ang mga gamit, at mawalan ng mga pundar at gamit, basta makita lamang na ligtas ang iyong mga mahal sa buhay. Hindi ko alam kong paano ka tutulungan para bumangon ulit, pero tayo, kapatid, kaibigan, Kablogs, at sabay sabay nating harapin ang bukas ng may mas malakas na paniniwalang ang lahat ng ito ay pagsubok lamang at kapag ating nalampasan ay mas magiginhawang buhay ang Kanyang ibibigay.

Pinahanga mo ako, Jess. Pinahanga mo ako. We will always pray for you, in our heart and in our mind. Magpakatatag ka pa lalo, kahit back to zero ka, please remember that God loves you, and so do we!

©2009 THOUGHTSKOTO

2 comments:

Life Moto said...

Wala na ako masamasabi pa bro kundi maraming salamat sa panalangin and moral support na ibinahagi mo.

Naway ang mga naapektuhan ng bagyong ito ay lalong lumakas ang faith natin kay Lord. Isang bagay lang ang gusto Nya iparating sa atin na sa isang idlap ay maari mawala ang mga possession sa buhay.

Again thank you bro! God bless!

Sardonyx said...

Isa kang mabuting kaibigan at thoughtful, thoughtskoto at hanga ako sa pagiging matapang matibay sa life mo, lifemoto sana ok ka na. hula ko na babalik sa inyo ang mas maraming biyaya, scoop ko yan para sa inyong dalawa hehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

©THOUGHTSKOTO