Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for overseas Filipino workers, Philhealth and insurances, OWWA, PAG-IBIG, bank and cash loans, foreclosed properties, small house designs, local and overseas job listings.
EXCHANGE RATE HERE, CHOOSE CURRENCY
Advertisement

Monday, August 31, 2009

Dear Arvin De La Pena, Lessons 101 For You

Ang post na ito ay payong kapatid, payong kaibigan, payo bilang isang blogero, payo bilang isang KABLOGS.


Denelete or nakaunpublished na ang post mo na "Mukhang Pera" na nagdulot ng pangit na karanasan sa atin. Gusto ko bilang matanda sau, oo inaamin ko, matanda ako sau ng three eight and one fourth na matutunan mo ang mga simpleng aral na ito sa mundo ng blogging.




1. Ang mga bullet messages sa Cbox ay nagpapahiwatig na ang bumibisita sau ay maaring nagmamadali, hindi makapagbasa ng post or simply walang interest sa blog mo o ayaw makipagkaibigan sau, maliban na lang kung kilala mo na ang tao na yun. Magcomment ka sa comment page or comment box, nakakatulong ka pa sa blog owner, nakikita ka sa Google Search Engine, nakakadagdag ng pogi points sa profile views at higit sa lahat nababasa ang mensahe mo kaya pag may nagkagusto ng comment mo, napupunta sa blog mo at nagbabasa ng mga gawa mo.


Bakit nga ba masarap ang naka-base or nakauna sa pagcocomment ng post ng ibang blogero? Kasi unang-una nababasa ang comment mo ng lahat ng magcocomment dito at higit sa lahat naeexpose ka sa madlang blogero kaya traffic increases also.



2. Wag kang magsalita ng mga masasagwa or nasty comments sa comment/post mo. Maaring bastos ang ating ugali or pag-iisip pero I am honestly, easily offended ng mga mura or pagmumurang salita, or beyond decency na mga lengguwahe. Katunayan, kapag may nababasa ako na post na nagmumura nasasaktan ako. Namimili ako ng mga binabasa or bloghop at nililink sa sidebar ko. Wholesome is always awesome sabi nga nila. Para sa akin, ang gumagamit ng mga swear or foul words, mga bastos at nakikita or nababasa sa mga vulgar na pahayagan at magazine ay isang indikasyon na mahina ang vocabulary at discipline ng isang tao. At kapag dumating ang panahon na at lost of words, yun lang ang lalabas sa bibig.



3. Gawin mo na lahat. Alipustahin mo ang blog ko, magpatumbling-tumbling at split ka, pero wag kang mandamay ng pamilya or manira ng reputasyon. Hindi ko alam kong anong magagawa ko kapag pamilya ko ang dinamay mo. Katunayan kaya ako nagmumukhang pera at nagkakandahirap-hirap dito sa Saudi dahil sa pamilya ko. Kaya ako nagtitiis dahil sa pamilya ko. So, sa ngalan ng pamilya, utang na loob, please kapuso, wag mong idamay ang mga walang malay lalo na sa blog or sa comment or kahit saan sa internet.



4. Huwag mong gawing katatawanan or bastusin ang 12 milyon katao na sandigan ng pamilya, kinabukasan at ng bayan mo. Ang OFW ay tatlong letra lamang pero may malalim na kahulugan. Kung isa kang ex-OFW, alam mo yan, kung wala kang relative na OFW, dapat kang makiramdam.



Inaamin ko hindi perpekto ang mga OFW. May mga taong nagiging infidel or nangangaliwa, may mga taong nagiging gahaman, sakim at nagiging mukhang pera. May mga OFW na parang mga alamang ang ugali, kapag ikaw ay naging successful or naging maayos sa trabaho, naghahalo ang balat sa tinalupan sa inggit, paninira at tsismis at kulang na lang ipako ka sa krus. May mga OFW na hindi masaya kapag nagiging matagumpay ka. May mga OFW na hindi nalulungkot kapag nagkamali or nagfail ka. May mga OFW na nangingiti kapag nag-iisa kapag na-badluck ka.



Pero iilan lang sila. Sa limang taon kong pamumuhay at paghihirap sa mainit na disyertong ito, sari-saring kwento at karanasan ang aking narinig at nakita. Ang OFW para sa akin ay mga taong may pangarap sa buhay. Ang pangarap para sa sarili at kinabukasan ng pamilya na siyang nagtutulak para magtiis, that's where they draw strength to fight the terrible loneliness, and carry on even the most menial tasks at hand.



5. Ang pagbloblog ay hindi kahit kelan man sinusukat kung gaano ka na katagal sa lansangan. 2005 pa ako nagsimula, pero marami pang akong natututunan at gustong matutunan, para pa rin akong Grade 6 kung magblog. Gusto kong magblog dati para magsilbing inspirasyon ng aking mga mahal sa buhay at kaibigan, pero natalo ako ni The Pope ng Palipasan at ni Bhing ng Gumamela sa Paraiso sa KABLOGS AWARD ng most Inspiring Blog. {hehe, sorry kanya-kanya pala tayong diskarte dito sa mundong ilalim, kaya di pala ako natalo, naungusan sa ganda ng mga post} Mga blog na halos wala pang isang taon pero magagaling at nakaka-antig ng damdamin. Kaya wag tayong magmayabang na matagal na tayong nagbloblog, tuloy lang tayo sa pagbibigay sigla at pagsilbing inspiration sa ating mga kababayan, nakakalibang, nakakapagbigay-alam, at nakakapagpadami ng kaibigan.



Iilan lang yan sa mga lessons na dapat nating matutunan, Arvin de la Pena. I wonder if one day, magcocomment ka rin sa comment box ko. Yung matino ah. Yung ayun sa post ko, yung related sa entry ko na toh.



Walang halong biro, sumulat ka ng maayos, matino, magaling, na walang inaapakang tao at walang sinasaktang damdamin, lalo kang sisikat.



©2009 THOUGHTSKOTO

Tuesday, August 25, 2009

BAKIT MAKITID ANG UTAK MO? (Edited)

Paumanhin: I have been vocal in replying to blog and post that are highly critical sa mga OFW's. Hindi ako naghahanap ng gulo, at mas lalong ayaw ko ng magulo, pero may mga sitwasyon na hindi lang hinahayaan. Pagbigyan niyo na ako, baka mapapagod din ako kalaunan.


Inaamin ko na I am"mean" sometimes especially when retaliating to post against sa mga OFW's. Ipinanganak ako at lumaking kanto boy sa Mindanao sa bayan ng Cotabato, pinalaki ng Nanay sa General Santos na may respeto sa kapwa, at tinuruan ng magandang asal at kabutihan, kaya lang may pagka kanto boy pa rin. At kung ang tema ng iyong post ay may halong walang modo, kabastusan at walang respeto, kita kits tayo sa kanto.


Ang mababasa niyo sa ibaba ay isang kwentong parody or satire in response to Arvin de la Pena post na "Mukhang Pera". This post was voluntary deleted by the Blogger mentioned above.

88888888888

Naguusap kami ng Production Manager ng planta namin nung bigla may dumaan, si Boy Bawang. Sabi niya bisitahin mo nga ang blog ko, nagpost ako about OFW. Magaling si Boy Bawang, parang si Boy Buang. Ang kaibahan lang nila, si Boy Bawang papak ng papak ng mais samantalang si Boy Buang may pagkaabno minsan. Epekto seguro nung tumalon sa tulay dahil sa hindi sinagot ni Paris Hilton. Dun pala galing ang bansag na "Buang".


Balik tayo kay Boy Bawang. Magaling pala si Boy Bawang sa tula. Parang ganito lang yun. "Ako'y tutula, mahabang-mahaba, ako'y uupo, pagkat natuliro. Tapos na po, bow!" Katunayan, maraming tula niya ang napublish sa mga dyaryo kagaya ng BAHAG, KULANGO, at TULANGGONG. Karamihan sa mga tula niya ay alay niya sa mga naggagandahang babae sa internet o sa school. Mas magaling daw siya gumawa ng tula kapag lasing, kaya wag ka nang magtaka kung minsan parang nasa kubeta ka kung nagbabasa ka.


Binasa ko ang post niya, kahit napakahaba, binasa ko kasi sinulat pa daw iyun back to back sa papel at saka may kinalaman sa OFW. Pinaghirapan niya at nakaubos ng ilang sakong mais hanggang maging utak mais na siya. Halata naman sa sulat niya, di ba. Sabi ko sa Production Manager namin na si Mang Manny, "Sir, pakibasa mo nga."


Matiyagang nagbasa si Mang Manny, at pagkatapos ng halos sampung minuto, nagwika ng mga salitang nakakagulat or nakakatawa. Parang si Boy Bawang at Boy Buang, iisang mukha, dalawang pag-uugali at pag-iisip.


"Pakisabi nga kay Boy Bawang, manalamin muna siya, kung ako na mahigit sampung taon na dito sa Saudi ay nagsusumikap para mapagtapos ang tatlo kong anak ay tatawagin niyang mukhang pera, ang tawag ko naman sa mga katulad niya mukhang AMAG!"

Medyo highblood na kasi si Mang Manny, tatanungin ko sana kung anong ibig sabihin ng amag, kung ito ba’y fungi, or molds, kaya sagot ko na lang.

"Sige po, sasabihin ko."

Nung lumabas na si Mang Manny ng opisina ko ay binasa ko ang email ni Ate Trisha, isang Caregiver sa Canada. Nabasa niya na rin pala ang post sa blog ni Boy Bawang.


Ito ang excerpt sa email niya.

"...abi nimo Dong, murag nakahilak ko sa iyahang istorya kabahin namong mga caregiver bah. Lisod kaayo oi. Pero duda nako naa na si Boy Bawang sakit, polar disorder man tingali tawag ana. Kasabot man sad kog tagalog oi, pero bastos man to iyahang istorya na dili man unta isulat. Anyway, dili nako magdugay Dong, pasagdi na lang na siya kay basura man ng iyahang mga post, bati bitaw nag mukha oi..."


Naawa ako kay Ate Trisha, kaya sabi ko sa email-reply ko, pwede mo seguro isend ng link ang Caregiver Association of the Philippines, at mga Nurses Association para ipabasa sa kanila, pati ang school kung saan galing si Boy Bawang kasi nagooffer din sila ng Caregiver at Nursing courses and tingnan natin kung anong masasabi nila sa malaswang kwento na ito.


Nanlumo ako sa aking nabasa actually. Hayag na kabastusan na walang puwang sa blog. Nagpapakita ng tunay na laman ng isip (kung may isip) at utak (kung may utak). Ang tawag namin nun sa Bisaya, "utak bolinao" yung mga maliliit na isda, ayun, dilis nga. Utak dilis pala.

Mag-anchovy salad ka na lang.

Alam mo may suggestion ako, Boy, why don't you take an IQ test online?

Dito oh.


Bumaba ako ng laboratory at nag-ikot sa production area habang nasa isip ang mga katagang sinulat ni Boy Bawang sa kanyang kwentong Face Money or Money Face...well {mani-pis}. Naalala ko tuloy si Binoy Pinya , isa rin daw yung basura blogger, kasi ang mga post niya basura, as in wala daw talagang kwenta, at bawat post niya umiikot yun sa buong world wide web para ipaalam na may post siya.


Halimbawa:

"may bago akong tula tungkol sa dalawang babaeng mahal ko sa blogosperyo"

Ang tawag sa blogger na umiikot at nagiiwan ng mga komentong ganyan ay

desperado, makitid ang utak, utak dilis nga eh!


ito pa...

"napost ko na ang kwento ko tungkol sa balakubak ko sa ulo at kung bakit may mga lisa ang mahaba kong buhok"

ang tawag dyan sa mga ganyang mga blogger na iikot sa blogsoperyo at proud sa balakubak at lisa - ipokrito at walanghiya o walang modo.


ito last na lang.

"napost ko na ang tungkol sa pagkamatay ng miyaw ko, magdala ka ng tissue at baka mapaluha ka pag binasa mo"

Kapag gusto mo daw magkaroon ng mga mambabasa at magcocomment sau, magcomment ka rin sa page nila. Bihira akong magcomment sa Cbox. Sa mundo ng blogging, give and take. Comment ka, comment ako. Hanggang sa mahook ako sa mga panulat mo, maging magkaibigan tayo. Hindi na parang nagiiwan ka ng instruction sa Cbox ng iba na basahin ang post mo na walang kwenta!


WAHID ITNIN TALATA

كما تعلمون ، أن تضيق من الدماغ ، وبعد مواجهة مثل العفن. وينبغي أن المدونين المتعفنة مثلك ، والقمامة وظيفة ، nilulublob الطين ، وكنت في مثل الجاموس.

المؤسف أن يفكر كما أنت. القمامة التي تقوم بكتابتها ، ولكن يبدو أنها تريد أن يلمع ، كنت تماوج أن الثوم


Translate ko na lang ha.

Anta Mok Mafi. La, mafi, monkin, anta mok taban, monkin karban. Inta kalam alatol kulo OFW sim sim sekol pulos? Anta karban, monkin, anta mafi pulos badin anta katir like pulos, monkin anta mafi akil. Bagaysaunilublubsaputikanparamatauhan.

Is muskil? Inta mafi malum Filipini katir kuayes? anta maginon. badin anta harami. Katir harami anta. Shup, inta sekol sim sim karban.


Kilala niyo na siya kung sino siya? Ilang beses na siyang nagiwan ng mensahe sa akin na i-add ko siya sa sidebar ko. Pero sorry, namimili kasi ako ng nilalagay ko sa sidebar ko. Boknoy, pasensia na boks, di ko type maglagay ng link sa mga post na tula-tula na may picture ng mga babae kahit ako ay tinaguriang makata ng school ko ng high school, at naging literary editor ng college. May mga manunula sa blogosperyo na magagaling, nakakabagbag-damdamin, nakakapagpagana ng kaisipan. Pero sory di ko type ang mga tula mo, mas lalo na kapag ang post mo ay hayag na pambabastos sa mga kagaya kong OFW.

Para sakin, isa kang basurang blogero, and hindi ako naglilink ng basurang post. Katunayan ito lang na post mo ang binasa ko. Ang post mo na ito na Mani pis. Kasi para sakin, nilait mo ako, kinutya, sinaling, at nilapastangan. Bulok na mga posting na gawa ng bulok na blogero na maaring pinalaki or lumaki sa bulok na pamamaraan.

Marami kang napublish na mga gawa sa dyaryo ? Well, sikat ka sa labas. Bulok sa loob.

United we fight this, full details at Palipasan.

Bizjoker also here, Gumamela sa Paraiso here, Dungeon here, Batang Henyo here

Azel at Mapanuring Panitik, and Jee of Wits Expression

Also here at Desert Aquaforce and Dating Tambay, KosaPogi Kupal here

Pamilyang Mukhang Pera


Dear Arvin De La Pena, Lessons 101 For You



©2009 THOUGHTSKOTO

Sunday, August 23, 2009

Dear Mike Avenue, Naintindihan na Kita

Mahigit tatlong oras tayong nagusap at matiyaga mong sinagot ang lahat ng aking katanungan. Salamat din for accepting my apology for over-reacting sa mga post ko na "Dear Mike Avenue" at "Epistaxis" in rataliation sa "Tsokolate" at "Daga" mo na mga post down to your comment at DungeonLord and PALIPASAN.

I encourage you to open your blog again, and remain the Mike Avenue that we know, inspiring and a very good writer...and let us bury the past as we face the future together as KABLOGS, friends and brothers.


Anonymous Mike Avenue said...


Isang taos pusong pasasalamat din sa iyo at sa lahat.

Mike Avenue


Mike said...

PS

Paghingi ng tawad sa lahat...The Pope, Kenji at Wife, Lord CM, Yanah, NJ, Kablogs, all OFWs, at sa iba pang nasaktan sa mga artikulo.

Makakaasa kayong hindi na mauulit ang ganitong pagkakataon. Maraming salamat at pagpalain kayo ni Bathalang Dakila.

Mike Avenue
August 23, 2009
Sunday, 11:59 am

Mr. Thoughtskoto said...

If the above comment is heartfelt and sincere, I am human, and a sinner too. Me, my wife and the Thoughtskoto (family) forgive you and welcome you as one of (our) friends.

I thank and admire the man who become the instrument of this meaningful and heartwarming reconciliation. Pope, thank you so much, you and your family makes us proud.

Mike Avenue said...

Salamat, Mr. Thoughtskoto.

***********************


The title is link to the Pope's PALIPASAN, the site where

Mike Avenue posted his comment..


If you are an OFW, please direct your comment to PALIPASAN's entry.

©2009 THOUGHTSKOTO

Saturday, August 22, 2009

Mix Mix (Halo-Halo)

ATTACK on KABLOGS TWIN TOWERS

Kasalukuyang nahinto ang pagsasaya namin dahil sa attack sa mga lider ng KABLOGS.

CM bilang Presidente, at THE POPE bilang Bise-Presidente at Adviser

Kung click mo ang mga link na yan, didiritso ka sa mga post na may comment ng paninira at pagmumura.

I am shouting FOUL!

Siraan at kutyain mo na lahat, pagtawanan mo ang grammar ko, pero, PLEASE, please lang, wag mo naman idamay ang Paniniwala ko sa Diyos at higit sa lahat ang pamilya ko. Kasi kapag pamilya na ang sangkot, i have the right to protect and if necessary fight back with full force.

Anyway nagkaayos na daw sabi ni CM, and deleted na rin ang comment ng sumulat ng mga foul and profane languages sa blog ni the Pope.

************************

NINOY

Kahapon, August 21 ay araw ng assasination ni Ninoy Aquino. Nakakalungkot gunitain, pero its like a celebration of the great life he lived, and the reason that he died is for us to enjoy the freedom we now live with.

Sana the life story of him and his wife will serve as a lesson for generations to come that there are people willing to die for Filipino's...and said that its worth it.

I dearly hold him as my hero, unang una dahil kabirthday ko, at pangalawa dahil through him, I learned to fight back and face even insurmountable and giant detractors basta we believe that what we are doing is right and true.

************************

RAMADAN KAREEM!

Ramadan na sa Muslim world. Ibig sabihin walang kainan sa daanan, sarado ang mga tindahan, mabagal ang lahat ng processing ng mga papeles kung ano man, at higit sa lahat babagal ang kilos ng lahat, maliban na lang sa mga sasakyan sa daan na ang lulupit sa tulin dahil gutom nga mga drivers.

Pero on the other hand, mura na ang mga bilihin, nagkalat ang sales at 50% discount.

Tipid, tipid...hehehe


Maraming salamat sa mga sumusuporta sa KABLOGS


©2009 THOUGHTSKOTO

Wednesday, August 19, 2009

"Should Filipinos Dream of Becoming OFW’s?"


I want this to be a healthy debate. Sasagot ako at sana kayo din po ay magshare ng mga saloobin and opinions niyo sa pamamagitan ng pagcocomment. I want your ideas and inputs. Engaging minds daw tawag dito.

This thoughts, I've been thinking many days ago. Now lang ako nagkaroon ng pagkakataon para mapost ito. I've have read the following comments ng aking kaibigan na si Nebz sa blog ni The Pope.

"This post actually got me thinking hard.

Pangarap na nga ba talaga ng lahat ng Pilipino ang maging OFW?

Nagsisikap nga ba ang mga kabataan na makatapos sa pag-aaral upang 'makapag-abroad'?

Pangarap nga ba talaga nati'y gawing OFW ang bawat miyembro ng ating pamilya?

I actually didn't realize this until I read your post. Kahit dun sa PEBA entry ko, hindi ko napansin na lahat ng mga kabataan sa kwento ko ay nangangarap mag-abroad pagkatapos mag-aral.

This for me is scary."

In another post by of Reymos, another PEBA Nominee


Kahit dito sa Saudi I’m proud of our Filipino nurses.
It bothers me though that while reading your piece, parang I’m developing this thesis that being OFW is now a ‘dream’ rather than an ‘excuse’ to alleviate us from poverty. Hmmmm….
Here’s a penny for your thoughts: Should Filipinos dream of becoming OFW’s?

I like your entry and I especially liked this passage: "I am proud to be one of these so called “heroes” but ironically, I don’t want to be that hero for long. I am looking forward of that day that I no longer have to work overseas. Presently, I am struggling so hard to attain my goal of becoming the hero of my own children and my children’s children." 

That for me should be the goal of all OFWs. To finally be a hero at home with the family. 

Congratulations. You'll be in my top 10 for sure.




©2009 THOUGHTSKOTO

Sunday, August 16, 2009

WE BUILD PEOPLE

We have been contemplating lately about the real purpose of our blogging as well as of founding the PEBA and KABLOGS. Our real intention really is to build people, or to make other people/blogger happy. We don't want to tear others or put other blogger/s down.

We have had experiences of fighting back using our blog in answer to some people's blog post or entry. We had the obligation to do so, since we are attacked in the same medium, and we felt we have the obligation to stand and correct whatever notion other people back home about us, Filipino's leaving the country for the betterment of our families and for the fulfillment of our simple dreams.

Reading through the blog world and hearing some news, I alarmed. There seems to me people or blogger that exist to destroy others, or to humiliate others, or lightly, to make fun of others right at the net.

We want people to be the best in their field. We want them to make the most of their talents and skills and share those stories because it will create inspiration or give happiness to others.

Sabi nga nila,

IF YOU KNOW OR FEEL ANYTHING IN YOU THAT IS GOOD, and RIGHTEOUS, as long as you are not doing any harm to others, do it, because it might be God's wisdom telling us to be kind, to be better people.

Sabi nila ang masamang damo, matagal namamatay, kaya kung ayaw mong mamatay, magpakasama ka.

WICKEDNESS NEVER WAS HAPPINESS, and NEVER WILL BE.

I can't believe people will have that principle in life.

magpakasama.

ang sama!

We want people to be kind and decent, we want to be good because we know that if we are good, we feel better and if we feel better, we are healthy, and if we are healthy, we live happy, thus, we live a much longer life.

Bakit ang mga pinoy sa abroad, hindi tumatanda? haha

Kasi masasaya kahit malungkot.

Alam mo yun.

Maraming pera? Maybe.

Masarap ang mga pagkain? Maybe.

But ang mga pinoy sa abroad, feeling nila nakakatulong sila ng malaki sa pamilya, kamag-anak at komunidad kaya masaya sila, at dahil masaya sila, walang wrinkles, kaya feeling young and looking young. One fine example is Isla De Nebz. Alam natin na ?0 na ang edad niya di ba. Pero he really look young, at mukhang mas matanda pa nga ako tingnan kaysa sa kanya. haha. Di kita binabati dito Nebz dahil I'm courting you to be the EIC ng PEBA Magazine, hehe, pero honest to goodness lang ito.

Building people is actually inspiring them. We inspire others, my friends in PEBA and KABLOGS makes me a better person, as well as my friends in the blogosphere. If that simple act of blogging a little here and a little there will create inspiration to someone like me, let us encourage others to blog and share and inspire and build people, by and by, we won't notice it, but we are transforming the place we live in, our family, though they maybe distant and far-away, our associates in work, our host country, and the world.

BUILD PEOPLE. BUILD FRIENDSHIP. BUILD A LEGACY.

By the way, may mga pagbabago na nga sa PEBA homesite. Salamat Jon the Mango!

©2009 THOUGHTSKOTO

Monday, August 10, 2009

Dito sa Abroad, Kelangan Meron Kang T

Dagdagan niyo na lang po yan. Baka may naisip pa kayong ibang T.


Tawanan ang Homesick

Tibay ng Loob

Tatag ng Katawan

Tiyaga sa Trabaho

Tiis Alang alang sa Pamilya o mga pangarap


OFW na nag-iisip ng mga hakbangin sa buhay.

OFW na gusto ng umuwi ng Pilipinas (para mameet si Mrs. Thoughtskoto? Hmmn)


OFW na nadisgrasya sa trabaho

All photos are property of the Thoughtskoto


I would like to take this opportunity also to ask people or OFW's na nagrereside sa Ilocos Norte preferably in this places,

Badoc, Bacarra and Vintar

our contact in Smart who might sponsor the PEBA event is doing some pilot testing at baka mamimigay ng Plug and Talk USB. Azel is doing a comparative research regarding this and will feature in the PEBA blog once it is ironed out.


If you know someone, leave your comment or email us at thoughtskoto@gmail.com

Salamat po.


©2009 THOUGHTSKOTO

Thursday, August 06, 2009

Sir Bob Ong, Importante Din Po ang Celpon na May Camera



Tinatanong ni Bob Ong kung importante daw ba ang celpon na may camera sa buhay. Dahil kung importante daw ba yun, matagal na daw siyang patay.

“Para san ba ang cellphone na may camera?Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

Ang larawang ito ay nakita ko sa blog post ni The Pope. Sinudan ko ang flickr page ni Alvin Gumba

Mabibilang mo ba kung ilan sa larawan ang kumukuha ng picture gamit ang kanilang mobile phone?

Nagtratrabaho ako na kelangan kung gamitin ang camera ng aking celpon, mga technical photos, spots, defects, kaya sa trabaho ko, kelangan ko ang di-camera na celpon.

Wag matakot sumubok ng makabagong bagay, parang Windows na Operating System yan, kung gusto mo ng Windows 95, wag mong gamitin ang Windows XP, or Windows Vista, or Windows 7. Pero mangangapa ka, paglabas mo ng tunay na mundo.

Ikaw, may camera ba ang celpon mo?

©2009 THOUGHTSKOTO

Wednesday, August 05, 2009

Watch Cory Aquino Funeral and Burial Internet Live Streaming Here

WATCH CORY AQUINO FUNERAL AND BURIAL SERVICE INTERNET LIVE STREAMING, HERE


ABS-CBN LIVE HERE

Tagalog dito

GMA7 WATCH IT HERE

Lea Salonga's rendition of 'Bayan ko'


Watch the Funeral Service of the late President Corazon 'Cory' Aquino at the Manila Cathedral here- recorded earlier.

©2009 THOUGHTSKOTO

Sunday, August 02, 2009

Pasasalamat at Suporta


Pasasalamat

THE SANDBOX

Nais kong magpasalamat sa mga taong lubos na sumusuporta sa ating mga adhikain. Isa dito ay si Blogusvox ng THE SANDBOX, isa sa mga taong blogero na hinahangaan ko hindi lamang sa kanyang panulat kundi pati na rin sa kanyang pakikisama sa mga tao sa blogosperyo. Hindi ako nagtataka kung bakit nasa Magic 3 siya sa nakaraang PEBA 2008 sapagkat makikilala mo siya sa kanyang panulat at drawings at hinahangaan din siya ng mga hurado. Kami sa PEBA ay humingi sa kanya ng tulong upang magpagawa ng sariling Juan de la Cruz na mukha para sa aming header sa PEBA, at hindi kami nabigo. Ang larawan sa ibaba ay obra-maestro ng puno ng talentong pinoy, ang blogger sa likod ng malapit nang maging aklat na BUHANGIN SERIES (Insha-Allah), si Blogusvox. Salamat po Sir!


PERLAS NA BLOG

Nais ko ring pasalamatan ang nagvoluntaryong maging pansamantagal na Webmaster, si Jon Guzman ng Perlas na Blog na gumagawa sa kasalakuyan ng sitemap at lay-out ng blog ng PEBA. napakabait na tao, napakahumble, at higit sa lahat mapagkawang-gawa. Ang magiging header ng PEBA at variation nito ay gawa ni Jon, isang batikang lay-out at graphic artist at website builder na nakabase dito sa Al-Khobar. Sayang at hindi niyo makikita ang mga flash at paglilipad ng butterfly at pagsayaw-sayaw ng globe at ng theme pero hayaan niyo at malapit na itong malagay sa PEBA site. Alam ko ang hirap sa paggawa nito at labis akong nagpapasalamat sayo, Jon the Mango.


Naaawa na rin ako sa aming PEBA lady, si AZEL.

Napakasipag, napakatiyaga, at higit sa lahat napakapatient at masayang nangungulit sa inyo para sumali sa PEBA. Salamat sa banner na ito, isang kahanga-hangang kontribusyon na forever will be a part of PEBA history.

At sa marami pang mga Blogger na sumusuporta at nagtitiwala sa PEBA, ang pamilya Thoughtskoto ay nagpapasalamat sa inyo.

Suporta

Kung mapapansin niyo, may nakalagay na nominee banner ng PBA or Philippine Blog Awards sa aming sidebar, at maging sa sidebar ng PEBA at KABLOGS. Ito po ay hindi upang kami ay manalo, bagkus dahil na rin sa pag-aadvise sa akin at sa PEBA ng dating presidente ng PBA na si Momblogger ay napagdesisyunan kong magbigay ng suporta sa isang organisasyon na nagbibigay parangal sa mga Pinoy Blogger. Karamihan sa mga KABLOGS at nominee ng PEBA ay naging nominee na rin ng PBA. I would like to invite all to give our support to this cause in inspiring people from all walks of life to share their blog for the world to read and to learn. Ours is a time of explosion of tremendous knowledge through the use of a medium we are all familiar, the internet. Let us celebrate the outpouring of this technological advancement by asking others to share their stories and laughters, their failures and successess thereby we will all learn and be a better person, a better father, mother, brother, sister, friend and Filipino people, in general.

©2009 THOUGHTSKOTO

Saturday, August 01, 2009

Goodbye, President Cory Aquino

76 years old Corazon Cojuangco Aquino, (January 25, 1933 – August 1, 2009) 11th President of the Republic of the Philippines, a mother, a guiding voice, an icon of the People Power died 3:18am today, August 01, 2009 at the Makati Medical Center.

"Her son Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III confirmed that Former President Corazon Cojuangco Aquino died of cardio respiratory arrest at exactly 3:18 a.m. Saturday at the Makati Medical Center after battling colon cancer for more than a year. She was 76 years old."

Further statement from her son, Senator Noynoy Aquino;

"Our mother peacefully passed away at 3:18 a.m., August 1, 2009, of cardio-respiratory arrest.

“She would have wanted to thank each and every one of you for all the prayers and your continued love and support. It was her wish for all of us to pray for one another and for our country.

“Hinihiling po ng aming pamilya ang kaunting panahon para makasama namin ang aming mahal na ina.

“Later today, we will be announcing further details of her wake para sa lahat ng ating mga minamahal na kababayan na nais magbigay ng respeto sa aming ina. Maraming salamat po."

Some of Cory Aquino's achievements and awards are:

Awards and Achievements

The Thoughtskoto family, along with the members of PEBA and KABLOGS express our heartfelt sympathy to the bereaved family of a great woman. She was the first female president of the Philippines and was Asia's first female president. She will forever be remembered in the history of the Philippine nation and the world.

Goodbye Tita Cory...you'll happily join your beloved and our hero now, Ninoy.

©2009 THOUGHTSKOTO