SEARCH THIS SITE FOR HOUSE DESIGN, OVERSEAS FILIPINO NEWS, FREE ONLINE STUDIES, CASH LOANS and BANK LOANS, PROPERTY FOR SALE, HOUSE AND LOT, FORECLOSED, CARS FOR SALE and anything beneficial for the Filipinos at home and abroad

Wednesday, July 22, 2009

Kakaibang Henerasyon ng mga Pinoy


Galing ito sa post ni Jee ng Wits Expression. Nabasa ko na ang Philstar at Inquirer post kahapon, pero di ko binasa ang mga comments duon. Nung mabasa ko ang news, I chatted kaagad si Rio, isang PEBA nominee na nakabase ngayon sa Kandahar, Afghanistan. Ang helicopter na lulan ng mga OFW ay papuntang Kandahar ayon sa kanya, at maraming nakakita na pagtake-off nito ay sumabog sa himpapawid, at di rin daw aabutin ng RPG. Mukhang aksidente talaga ang nangyari. At dati niya ng mga kasamahan at kakilala ang mga OFW na ito. Sabi niya, 16 ang Pinoy na nandun, 10 ang confirm na namatay, 3 ang nasa Ospital ng NATO Emergency Hospital, so may nawawalang tatlo pa. Ang pamilya Thoughtskoto, and miyembro ng PEBA at mga bumubuo ng KABLOGS ay lubos na nakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng sandigan sa buhay. Naiisip ko ang mga naulilang bata, mga nanay at asawa na biglang nawalan ng pag-asa, at ikinabubuhay. Nakakalungkot. Nakakapanlumo. Nakakapanghinagpis.


Nakakatakot ang mga komento ng ibang mga Pinoy lalo na sa Philstar. Pagkatapos ng Tsokolate na issue, may mga Filipino pa rin na mukhang galit, or inggit sa mga OFW, or irresponsable lang talagang magbigay ng pahayag. Hindi ko na pahahabain pa. Nanawagan ako sa mga Pinoy na nasa Pilipinas na medyo makitid ang pang-unawa at pagkakaintindi sa buhay ng mga Pinoy sa abroad. Kaunting respeto lang po, lalo na sa mga pamilya ng mga namatay na OFW's. Hindi mga ganung komento ang kailangan nila.

Anong komento?



"Why should we consider these pinoys heroes? They didn't die for their country. They died because they want to feed their families...dahil responsibility at obligation nila iyan.

Why should we lower our flags for the deaths of these pinoys? NO Sir!...They're not supposed to be there in the first place. They opted to work there dahil malaki ang suweldo para may ipangtustos sila sa mga luho ng pamilya nila (cellphones, loads, lcd tvs, psp's, at kung anu-ano pa).

Don't blame the government at huwag ding sabihin na walang trabaho sa Pilipinas kaya naruruoon sila sa Afghanistan...maraming trabaho sa Pinas...gusto lang nila ng MALAKING SUWELDO.

Ngayon...kung sundalo ka at namatay ka pakikipaglaban dahil sa bayan mo...YES...I WILL SALUTE YOU!....but, kung namatay ka lang dahil gusto mong laging bago ang cellphone ng mga anak mo...hayaan ko na lang ang pamilya mo ang magdalamhati para sa iyo! "

Nakakalungkot ang mga ganitong komento. Marami na sila, dumadami pa sila, kakaibang henerasyon ng Pilipino. Marahil hindi na nila natutunan o naabutan sa school ang GMRC, or dahil bumababa na ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, bumababa na rin ang values ng mga kabataan. Kaya ang PEBA ay determinadong gawing ebook at publish book ang mga entry ng mga nominees pati na ang mga contribution ng 2008 winners. Kung maraming sponsors at pera, ipamimigay namin sa mga library ng schools sa buong bansa ang mga kopya nito para mabasa ng mga batang Pinoy at maunawaan ang klase ng pamumuhay sa abroad. Gagawin naming ebook at ipapamimigay sa lahat ng gustong humingi ng kopya. Hindi lahat nakakabasa ng blog or internet, may mga maling kaalaman na kelangan i-correct. Kung kelangan ibenta kahit P10 kada libro sa National Bookstore at Powerbooks para maafford ng masa, okay ito. Nebz, sana nga makapulot ako ng 100 milyon na numerong panalo sa lotto at itatayo ko ng radio station at tv station dedicated para sa OFW. Kasya kaya? hehe. Ever, sana nga maToinks din itong si Bryle. At Azel, kamag-anak toh ng natalo sa Blog-tasan mo.

Merong gap na namumuo, at kelangan maintindihan ng sumisibol na henerasyon ang hirap at tunay na dahilan ng pangingibang-bayan kapalit ng maayos at maginhawang pamumuhay ng mga mahal sa buhay. Ito ang buhay Pinoy, and tanggap yan ng may 13 milyong Pinoy, kabilang na ang pamilyang ito.

If you want to be added sa Book na ipupublish ng PEBA, join us now. Kung previous winner ka or hindi ka kasali, post your entry, and we will try to add them sa compilation for editing and publishing.

©2009 THOUGHTSKOTO

15 comments:

RJ said...

Si bryle7816 ay nagsalita/nagsulat bago mag-isip.

RJ said...

...o siguro hindi na nga nag-isip itong si bryle7816!

Kahit na hindi sa issue ng pagiging OFW ang usapan, hindi man ako isa sa mga naulila pero ang dating kanyang 'comment' ay napakasakit! Ayaw ko nang patulan pa ang bryle7816 na 'yan, magiging tanyag lamang siya. ...at hindi ko gustong makilala siya sa ganitong paraan. ={

Dyi said...

pagkatapos ko kase magbasa ng mga article sa phil star e binabasa ko din ang mga comment nila.

madami talaga sila kuya at kamag anak nga ata talaga ni Crisologo si bryle7816. hahaha!! pero wag na natin siyang patulan kase baka gusto lang din niyang sumikat tulad ni ----! iba ang dating ng comment niya talaga! parang nang iinsulto na may pagka bitter din.

ang e-book kuya :) support ako jan :)

Mr. Thoughtskoto said...

***Doc RJ
Salamat. Oo nga pero nalulungkot pa rin kami sa ganung mga ugali. Very Selfish, and mean. Anyways, salamat sa suporta.

***Manang Dyi
Salamat Jee. Haha, di lang Ebook Manang, isang Book talaga, as i compilation na printed at bound na mga entries ninyo. Ang challenge ko is kung paano gagawin sa mga videos, ceguro mga pictures na lang sa book?

May nakausap na ako na Editor at publisher, tuloy na tuloy na ito. Salamat sa mga PEBA supporters!

Everlito (ever) Villacruz said...

paulit ulit nya itong post,parang sinasadya ang pangyayari.naka link din sakin ang philstar sa email ko.nung una ko rin nabasa yan,medyo uminit ang ulo ko..respeto lang kasi dapat...di naman natin pinapangalandakan na bayani ang OFW. ang sakin lang may kanya kanya talagang dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho bilang OFW..huwag naman sana bigyan ng kahulugan kung yung iba tinatawag tayong bayani,walang bayani.ang bayani ay BAYANI-JUAN.makikita sa post comment niya yung KSP-kulang sa pansin,alam nya na marami ang aangas at aangal,yun ang nakita kong motibo,gusto nya sumali at makilala...bakit ba sa tuwing sinasabihan na bayani ang OFW,maraming inggit,este, galit!,ang hirap kasi ipaliwanag na ang hangad lang ay mapabuti ang kinabukasan, e ano kung may bago sa pamilya,e anu kung nakakabili ng bagong cellphone,e anu kung may lcd tv,e ano kung magara ang bahay,e anu rin kung may sasakyan,syempre nagtatrabaho tayo,pinaghirapan natin ang lahat ng iyon,inipon,pinagpawisan,pinagpaguran, natural gamitin para sa pamilya,di naman natin sinisisi ang gobyerno,kasi tayo mismo ang gobyerno,gaya ng sinasabi ko mas gusto kong magtrabaho sa pinas,kesa sa ibang bansa,pero mababa ang sweldo,at ayokong pagkasyahin yun sa pamilya,mataas kasi ang pangarap natin para sa pamilya diba,hindi po natin pinangarap ang magyabang para sa pamilya..di lang po namin sadya na malaki ang naitutulong ng OFW sa bansa.at yun ang nakita nila kung bakit tinawag na bayani ang OFW.

sila, hindi kami, ang nagsasabi.
bayani ang OFW. ganun din ang binibigkas ng isip ko.kung ako ang nasa pinas at nagtatrabaho,sasabihin ko rin BAYANI NGA ANG OFW!

caloi said...

Si bryle7816 gusto lang kumita sa mga tabloid.,ang mag lathala kahit nakakasakit na sa kapwa nya filipino. ang akala nya walang mag co-comments sa mga isinusulat nya na kagaya natin na ofw. anun bang pakialam nya kung ang mga ofw ay may bagung cellphone,lcd tvs at psp.

A-Z-E-L said...

Ayoko ng patulan ang mga kamag-anak ni "Crisologo".

OFW man o hinde, tao pa rin un! kelangan ng RESPETO...

Masyadong matabil ang dila.. tsk! tsk!

My sympathy to the bereaved families.

The Pope said...

Ako at ang aking pamilya ay nakikidalamhati sa mga naulilang pamilya ng mga nasawing OFW, isang panalangin ng pakikiramay ang nais kong ipahatid.

Panalangin din para sa kaliwanagan ng pag-iisip ang aking hinihiling sa Pangioon na nawa'y ipadala nya ang Espiritu ng Pang-unawa upang haplusin ang puso ng ating mga kababayan na may kinikimkim na poot at galit sa mga nagsisikap na OFW.

Sa panahon ng pagdadalamhati, panalangin, pagmamahal at pangunawa ang kailangan ng bawa't isa, lalo na ang mga naulila.

Sardonyx said...

Nakikiramay ako sa mga naulila ng mga namatay na OFWs. At kung sino man ang nagkomento tungkol sa pagiging bayani ng mga OFWs, malamang isa siya sa napapabilang na "A class" o mga mayayaman na hindi na kailangan mangibang bayan o kaya naman desperadong maging OFW. Pero kung sino man siya ayokong patulan....KSP lang siya hehehe. About naman sa pagpublish ng mga blog entry, ok ako dyan hehehe kahit alam kong talunan ako hahaha.....galing mo Kenji mag-isip ng mga ganitong paraan ng pagpapalaganap ng kaalaman sa mga OFW, mabuhay ka! (bow hehehe)

Francesca said...

babalikan ko to pag gising ko bukas;
pagisipan ko ang isagot ko sa commento nya, loko ba siya???!!!


Kens, brb ako later pag gising ko, 130am na pala !

manilenya said...

Para sa nagkomento tungkol sa mga OFW...hindi bagong cellphone kundi magandang buhay ang gusto nating mga OFW para sa mga anak natin....

Naka ilang pasaring na ba ang anak ko sa kin ng cellphone? anng sabi ko hindi niya kailangan ang cellphone, ang kailangan niya e mag aral ng mabuti kung gusto nya ng magandang buhay pag laki niya, ang kailangan nya e matutong makisama sa mga taong pinag iwanan ko sa kaniya, ang kailangan niya e matutong mabuhay ng nagsisikap.

Iyong mga nagkokomento tungkol sa kaya tayo nasa ibang bansa dahil sa pera, supalpal ko sa mukha nila na OO DAHIL NGA SA PERA...kasi sa pinas wala akong trabaho, wala akong pera.

bakit ba ang mga taong ito e masyadong bitter sa buhay nila at pati tayong mga nananahimik sa isang tabi, tayong madalas magmukmok at iniisipp kung ano ginagawa ng pamilya natin sa pinas sa mga oras na to e pinag-iinitan nila?

Sundalo ba ikamo? e dapat parangalan at tawaging bayani? tsk tsk tsk....maraming sundalo ang kinatatakutan dahil sa bagsik ng mga armas na ginagamit lang para pagsilbihan ang nag-haharing uring asendero sa kanayunan at mga burok-ratang kapitalista sa malakanyang.

Kung ako ang tatanungin, hindi ko kailangang tawagin akong bayani, katulad ng hindi ko pagtawag na bayani sa mga pinakilalang bayani sa mga libro ng kasaysayan.

Life Moto said...

First of all from life moto family ay taus puso nakikiramay kami sa mga naulila.

Para sa negative comments sa OFW. I hope na di mangyari sa kanilang love ones ang sinapit ng mga nabiktima ng aksidente.

We directly care for our family financial need, but i believe that indirectly we have contribute enough to help our economy as well.

waiting for the ebook bro so we share to the world.

Francesca said...

okey na, nakapagisip na ako ng sasabihin ko dun sa "pasaway".

Mr bryle,ano po ba ang mali dun sa pag abroad?

Its not only because of laptop or dvd or celphone lang kaya nagpunta ng abroad ang OFW;


It is more of self satisfaction having the salary you want that you cannot have in your own country.
Many Filipinos are intelligent but cannot find work in Philippines. And if they find one, it is not enough to keep living.

Now, Mr Bryle, do you expect US ,OFWs to play marbles instead?

Sige nga.

isladenebz said...

Una, sa mga naulila ng mga OFWs sa Afghanistan, ang aking dalangin.

Pangalawa: Siguro nga talaga, there are Pinoys who would see things in a somewhat skewed view.

My stand remains: I'm just a lowly OFW working for my family. (And we are never maluho. In fact, none of my family owns a mobile with a built-in camera! Strange but true).

Mr. Thoughtskoto said...

Maraming salamat sa mga post niyo na comment. Nabasa namin na this ofws will be accorded by OWWA and POEA ng full benefits kahit pa undocumented sila.

OUR POPULAR CONTENT