I been very busy lately.
Here's some of the reasons why;
1. My Manager went to Thailand which means naiwan sa akin ang sangkatutak at sangkaterbang trabaho, reports at sakit ng ulo, sipon at trangkaso! (wag po kayong magdala ng H1N1 dito bossing ha, quaquarantine ko kayo sa laboratory!)
2. We are on the process of a massive plant expansion, 3 times the size of our current water bottling plant, sana lang po, kahit 2x lang ang increase sa sahod, hay ang mahal na ng rice dito.
3. Its summer season, so hot. I am hot, my Lovefate is hot, everybody is hot here. Haha. Shhh patawa lang toh ha, pero hot na hot talaga kami dito sa Middle East. Mga 7am pa lang ng umaga pagpasok sa work, temperature is between 37-41 degrees Celsius. Pag tanghali, mga 12noon to 2pm ang temperature mga 46 - 51 degrees Celcius. Oh sinong nagsabing madali ang maging OFW?
4. At dahil summer, at mainit todo ang operation ng MOA MASNA JAZEERAH! That's Arabic of AL JAZEERAH WATER COMPANY. At dahil nakatoka sakin ang QA na departamento, at ito'y diritso sa mga tiyan ng mga consumers, mahigpit ako, masungit, at laging mainit ang ulo kasi nga pressure sa trabaho. Bah, sinong hindi kong ikaw ang nag-iisang Filipino sa departamento at ang mga kasama mo taga-planeta ng mga utak-kuwago. Teka, ano bang utak ng kuwago? hehe
5. Yan ang isa sa mga rason kung bakit halos di ako makabisita sa mga blog ninyo, pero pailan-ilan ngssneak ako. Babawi ako. Maliban na lang kung PEBA Nominee ka, haha, updated ako kasi tinitingnan ko ang mga boto at mga komento. Wala sa botohan, wala sa mukha, nakikita sa isip, sa salita, sa gawa, sa entry, at sa laman ng buong blog.
A N Y W A Y
This will be a Father's Day light posts, inspired by the wit of the two fathers out there,
JON D' MANGO ang pinakabagong blogerong OFW.
and
Anong indication na matanda na nga ako at the age of 32, may isang maganda, mabait at mapagtiis na asawa, at isang makulit, malikot at nangangagat na anak.
1. Posting Father's Day entry a week before FATHER'S DAY.
2. Send a GTalk Chat to Rio, thinking he is Mrs. Thoughtskoto...tsk tsk.
Ito yung excerpt conversation namin.
KENJI: Mwah! Hon andiyan pa ba yung lupa na binigay ni buveh dati?
KENJI: may dala kasi akong halaman. Mwah!
Rio: Kenji, si Rio toh, baka mag-I love you ka pa sakin, hehe.
KENJI: Hah!? (Gulat, as in) Tipaklong na anak, sorry! Hehe.
3. Making a report twice and submit it twice
also thinking di pa ako nakagawa at nakasubmit. Sabi ng kasama ko,
"Ken, you should be saving ink and papers"
Haha, sweet!
May talent siyang magparinig eh wala nga siyang ginawa kundi magtapon ng magtapon ng papel sa basurahan...mga lahing alam mo na, haha.
Well, tanggap ko na, wala na ako sa kalendaryo, pero wag niyong kalimutan nasa lotto numbers pa ako! Lol!
Happy Dad's Day sa lahat ng mga Daddy, may Daddy and magiging Daddy!
©2009 THOUGHTSKOTO
12 comments:
aha! kaya pala hindi ka na nakakadalaw sa peyds ko kase maxado ka ng busy jan! hahaha!!
lalo kang papayat niyan kuya kenj :D
sana ako pumayat na din :( lolz
happy pudra's day kuya :) pa chiz berjer ka naman jan! hahahaha!!
heheh!
can't help but think and reflect about my father's attitude towards us nung (syempre) nasa pinas pa ko, when he was same as your age. I was 12 yrs old by that time! :D
- paulit-ulit na kwento about a certain topic.
- wrong sent text msgs for my mum.
- sleepless nights...(syempre kasama niya ko nagspend ng sleepless nights dahil pareho kaming insomniac)...
namiss ko tuloy si fatherhood ko.
wag masyado karirin ang stress kuya!
hehe..kundi magkakawrinkles ka niyan.:D
Happy father's day!
Nah, your not old, your just tired. Magbakasyon ka!
Happy Father's day, Kenjie!
pards kalabaw lang ang tumatanda...
teka pero trabahong kalabaw ang ginagawa mo...ha ha ha.:)
happy tatay's day! at sa lahat ng mga kablogs na tatay!
Dapat treat niyo ang inyong sarili ngayong Father's Day para mawala ang pressure. o",) Parang ang dami, eh! Huh!
Happy Father's Day, Mr. Thoughtskoto! U
You're not that old, your not over fifty...you are just getting wiser hahahaha.
Happy "Tatay's" Day.
Life is Beautiful, even men need to stop for a moment to smell the flowers.
wala man sa kalendaryo ang edad niyo pero kasali parin naman sa lotto. wag mag-alala. may chance pa rin kayo na mananalo..pero saan?..hehehe
happy fathers day po!
don't say that bro. parang sinabi mong mas matanda na kami ni Pope! hehehe!
well happy father's bro!
***Manang Dyi
Haha, sinabi mo pa, hay butot balat na lang ako nito sa awarding! hahaha!
Salamat Jee. salamat sa Suporta at tiwala.
***Jen
Haha, dapat ang itawag mo pla saken hindi kuya, tatay! hahaha, salamat sa pagbati. Excited ako sa inyo ni pogi!
***Blogusvox
Haha, take it from the man! I am not old, i need a break! very true, very right, kaya lang sa December pa. Salamat Kuya Ed. Happy Father's day to Bea's best father!
***Ever
Haha, natawa naman ako dun sa kalabaw. Bkait kasi ang kalabaw, pag tumatanda, hindi kita sa mukha, haha. Happy Father's Day sau parekoy!
*** RJ
Salamat sa pagbati RJ. Dapat nga seguro treat ko ang sarili ko, we will have a bakasyon engrande this december. Salamat sau!
*** The Pope
Salamat sa pagbisita. Natouch ako dun sa Father's Day letter mo, ang galing! Happy Dad's Day The POPE!
Haha, linya ko yung wise na word ah?
***Pogi
Haha, oo nga nasa lotto pa, pero di nman ako tumataya nun, haha. Salamat inspired man. Keep it alive and exciting!
***Jess
Ah, wala akong sinabi na matanda na kau ah, ilang taon na ba kayo? hanggang ilan ba ang numero ng lotto? 42 or 100 hahaha. Happy Father's day Jess!
Sir Kenjie tandaan kalabaw lang ang tumatanda heheh....
nag kamali ka na rin ng text sa akin.... buti yun hindi Muahh.. hahaha
oks lng yun, kahit busy, basta me nagawang magaling.
I Pray yung salary increase soon na, kamo tumatanda ka na, dapat sama sa pag tanda ang taas sahod, hehe.
Uy, yung text, it just happened to my boss today, lol, nabuking niya me bf na yung 15 years old niya, kasi si bf nag text, ng ilove you, napunta sa cel ng mama , haha.
SUPER init na rin dito sa France, 25 lang, pero me mountain with forest dito, and... THE SEA kaya "nag titiis" din kami dito, lol
ok, got to see who is pressing the doorbell, me tao!brb
Post a Comment