Saturday, June 06, 2009

SAUDI 101 - EASTERN PROVINCE BLOGGERS EB


The faces and smiles you are seeing are the KABLOGS bloggers in Dubai, mga bloggers mahihilig sa Cadbury, sa Made in Holland na chocolate, sa Galaxy, M&M, and Nips, haha
They met and share laughters and stories, posed for souvenirs and memento's.

Makikita mo sa kanilang mga mukha ang saya sapagkat kahit may economic crisis, marami silang pera, PERA na di lang dahilan kung bakit nag-abroad sila. Kaya habang ang iba naghihimutok dahil walang mahugot, hahaha, sila ay ayun maraming pera, madami as in kasinlaki ng bag ng babaeng nakablue. Makikita ang yaman sa kintab ng mga alahas na suot nung malusog na nakaitim, kasing-kinis ng mukha nung isa pang nakaitim kasi hindi lang mga Chanel, Versace, Louis Vuitton, VS - alam mo yan, yan ang sikat na pabango ng mga asawa ng OFW ngayon, VS at Imperial Majesty ang pabango niya na gamit, kundi pati na rin mga cream at mamahaling pangpaganda. Ganyan talaga pag kasama mo minamahal mo.

Ang nagiisang lalaki dyan ang pinakapogi sa lahat. Wala ng iba. Wala ring kokontra at baka maisyuhan ka ng Manifesto. At ang isa pang nakaitim na may white na jacket na masarap na nakatawa, may hawak na mas malaki pang bag ay hindi pera ang laman, mga damit po, kasi pauwi na siya ng 'Pinas nung mga panahon na yan. 
Dahil may mas mahalaga kaysa pera - pamilya, respeto at paniniwala. 

Di ba sabi ni Tito Cezaro Banares sa kanta ng ASIN na "Ang Gulo"
"Prinsipyo mo'y igagalang ko, kung ako'y iyong nirespeto."

Ito naman para sa mga Kingkongresman sa kamara na nagpasa ng CON-ASS.

"Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko."


Ito naman ang EB sa Qatar. Kung titingnan mo, may mga kaya yan sila lahat.
Kayamanan. Ang pinakamayaman sa kanilang tatlo, ay yung pinakamalusog. Para makapagEB sila, galing Saudi lumipad sia papuntang Pilipinas, papuntang Hongkong at papuntang Qatar para emet sila Mr. and Mrs. Pope. Kita mo naman, "I love Hongkong pa ang nakalagay sa tee niya. Ang shades niyan Moss Lipow.

Ang mag-asawang taga Qatar ay nagiinvite sa mga taga Saudi na dun mag-EB. libre daw ang breakfast hanggang dinner sa kanilang bahay. Di ba, sabi ko sa inyo, mayayaman ang mga OFW. Ang sapatos nung nakastripe blue, Nike. Hindi made in China ha, Made in USA.
KAYA LAHAT NG OFW BLOGGERS SA SAUDI 
Magkita-kita po tayo sa Thursday, June 11, 6-8PM ng hapon sa Al Ramaniyah Mall. Sa may AL-BAHAR family section. Mauuna na kami dun ni Mrs. Thoughtskoto at Babytots para maipareserve ang mesa. Ito lang po ang pinakaaccessable sa lahat, pinakamadaling puntahan. 

We expect na makapunta dun si



(confirmed na daw po na dadating si Prof. Nasa klase siya pero tumawag para ipaalam na nagpapa-spa na siya at face peel para sa event na ito)
Tumawag na rin po si Sir Vic na manggagaling pa ng Jubail, at kasama daw po niya ang kanyang maybahay sa pagkikitang ito.

At kung makakahabol or available man si Jess ng Lifemoto

For more info tawagan niyo lang ako between 8am to 4pm sa 850-2472 local 224.
or sa mobile ko po 056-367-7487

or email niyo na lang ako here

Sa susunod po yung grand EB ng buong Saudi Bloggers.

©2009 THOUGHTSKOTO

26 comments:

EǝʞsuǝJ said...

haha
baseDDD!!!!!!!!!!!!!!!

nayahaha

bonggang bongga ang laman ng bag na malaki nung nakablue!
pramis!hahaha...
buong bahay ata dala dala na...
infairview cute sa personal yan!
(nagbuhat ng sariling bangko si loko)..hahah

luma na yan kuya..
kelangan na ma-update..
yung pangkalahatan dapat..
haha
sige sige
hindi ko maintindihan yung mga sinasabi ko ehh..:D

Manang Dyi said...

MALUSOG ba ako kuya? lolzz yaan mo at kapag sumeksi ako e ipapadala ko agad sayo ang pix para may maipost kang bago dito sa bahay mo. nyahahaha!!

wow! may EB sila. ang saya naman! pde bang maki join kami jan? tawagan nalang kita kuya. hahahaha!

sana kami ding mga taga dubai e mag EB rin. yung lahat ng bloggers na nasa dubai. wala pa kaseng taym yung iba e.. busy pa sa career! nagpapayaman kase kami! joke! hahahahaha!!

at take note...sabi ni chico, mag 2 2 pis daw ang mga gals at 1 pis naman ang mga guys pag nagkita kita kami! nakuuu!! luluwa ang nakatagong bilbil ko pag nagkataon! lolzzz

***pogi...redi ka na ba? ang RDL! joke! hahahaha!

Mr. Thoughtskoto said...

*** Jen
Haha, natawa ako Jen, kami naalala ko yung pagong, di ba, dala dala din ang bahay nun.

Wag ka na mahiya, pera ang laman ng bag mo di ba, at mga mamahaling pabango, Victoria's secret, at iba pang secret secret at chocolate. hahaha

***Manang Dyi

Wag kasi lagi kare kare Manang Dyi, haha. Pero ibang klase ang EB niyo dyan sa Dubai ah. Oi, nung nabasa ko ang 1pis, parang ipis, malaking impluwensiya saken nung IPIS ni Pogi, di ako makatulog kasi Ipis ang pinakananarindian ko sa lahat, hindi daga.

pero actually kaya nga kami magEEB kasi nakita namin na masaya kayo.

Sardonyx said...

Kakainggit naman kayo at may EB na dyan sa Saudi at buti pa sina NJ at The Pope nakapag EB na rin sa Qatar. Post some pictures after ng
EB nyo Mr. Thoughts. Inggitin nyo rin ako sa pagkain hehehe

Mr. Thoughtskoto said...

Sardz, anong sekreto ang ginawa mo at ikaw na ngayon ang nangunguna sa botohan sa PEBA Poll? Mukhang sa gitna ng laban, nangangampanya ka ah, ang galing nga eh.

Thanks for commenting here. Ill post some pictures of the foods. hahaha.

Mr. Thoughtskoto said...

Isa sa mga pag-uusapan namin sa Eb na ito ay yung concern ni MANANG DYI, paano ang magpapayat. Alam mo yun, kapag ang OFW maraming pera, habhab lagi ng broasted at kafsa...

Wala akong sinabi about sa Qatar EB ha, hahaha, NJ, The Pope, peace tayo, concern ni Manang Dyi ang sabi ko (lol)

Manang Dyi said...

***kuya kenj
waaaaaa! cge pag usapan niyong maigi tas inform niyo ako agad ng napag usapan niyo. kase sigurado merong suggestion ang ibang bloggers regarding sa pagpapapayat. hehehe...

marami kase akong pambili ng sahog ng kare-kare! lolzz

PaJAY said...

Lolz...


hindi ako nag pa-peel ng mukha...nag pa PUT spa lang ako sa Mukha....Lol..

kitakits parekoy.....sa Family section ba yan?..wala kasi akong partner baka magalangan akong pumasok.Kung may mapansin kayong tatanga tanga sa thurs ako na yun kasi mahiyain akong tao.....lolz..

The Pope said...

Wow extra na naman kami dito hehehehe. Gud luck guys, nakakainggit naman kayo... tiyak na puno ng kasiyahan ang pagtitipon na yan.... Sana there will be an International EB Day celebration ano, wherein it will be observed all over the world...

A blessed morning to all of you.

Lord CM said...

kasi hanapan nyo ako ng trabaho jan, para kasama ako sa EB :( ...

Mag e-EB rin ako dito sa Palau, ako lang mag isa!!!di ko kayo sasama lolzzz :D

A-Z-E-L said...

EXTRA-EXTRA NA NAMAN...

goodluck sa EB ng mga nasa buhanginan.

pasalubungan nyo kami ng pictures ha? ung picture pag lasing na!!!

ay wala nga palang alak jan kase bawal. pero bakit dito, bawal din pero andami... lolz!

CM, patingnan ng picture pag nag-eB ka magisa ha? lolz!

Desert Aquaforce said...

Grabeh! Ginamit mo pa Qatar eB at Dubai eB pang-intro para sa Saudi eB 101 ah... Tsaka hindi well researched yung post mo... hindi naman Moss Lipow yung sunglasses... tsaka di naman ako mayaman...may K nga lang... K...ang sabi nga ng kaibigan natin kung may ellipsis, maraming ibig ipaabot yun...ikaw na lang magdagdag para sa K...hehehe.

Nakakainggit naman kayo... pupunta ako dyan kung saka-sakali... Abangan!

Mr. Thoughtskoto said...

*** Manang Dyi
Ang tindi ba naman ng topic, magEEB lang, pagpapapayat ang Topic pero INSERT ko, promise. Unang una kong ipapaabot kay Prof EJ.

***Pajay
Prof, saan pwede magpa foot spa sa mukha? Dun ba malapit sa KADIWA, lols!!!

Masaya itong kasiyahan, basta may nakita ako mamang nakaheadset at may knapsack bag, ikaw na yun ah. Al Bahar, family section, pasok ka lang, sabay sa mga nurses dyan.

***POPE
Magandang Ideya yan, ano kaya pasimulan natin ang International World EB, hahaha. May nagtanong saken, ano daw ang EB.

Sabi ko Eat Bulaga!Lolz!

***CM
Hindi maganda ang makipagEB sa sarili mo, lalo na sa bansang Palau. Hehe

O baka lang may malalim kang pakakahulugan at patalinghaga pagcocomment kagaya nung kaibigan natin na punong punong ng hiwaga.

*** Azel
Ito malinaw kong tanong, paano ka nakacomment kong short circuit at walang kuryente sa office or bahay niyo? hehehe

Kwawang bata. Ang mahirap pa nito baka hindi kami makapagpapicture kasi nga di ba public faces ito, este, public places, baka puro pa nakaitim ang mga gurls. hehehe, pero try namin, celpon na lang para walang flash.

Mr. Thoughtskoto said...

"Tsaka hindi well researched yung post mo... hindi naman Moss Lipow yung sunglasses..."

Ang aking post ay may pakahulugan, at talinghaga. Basahin at isipin mabuti para maintindihan. Hindi ako nagresearch totoo yan, pero alam ko na pag sinabi kong Police ang Sunglasses mo, ito'y ibig sabihin, Tsao, Cheap kumbaga.Naggoogle ako kung anong most expensive sunglass, ayan ang unang lumabas, kaya yan ang sabi ko kasi ang mga K mo, may K at K. ayan, himagsikan na naman, KKK daw! Lol!

(kagaya, kaya, karapatan)

Wala akong menention na pangalan, hindi po ako nagmemention ng pangalan dito lalo na OFW na mapera. hahaha, peace NJ!

isladenebz said...

Confirmed po ang aking pagdalo. May pagkain bang dadalhin?

Mr. Thoughtskoto said...

Yay!!! Magkikita naman kami ulit ni Nebz! sa Al Bahar tayo, sa may family section or kung di kakasya, dun na lang sa itaas ng sa may gilid ng soon-to-be-Jolibee na CABALEN. Para may chance magpapicture. Hindi na seguro magdadala ng foodets, kasi oorder na lang tayo dun.

Salamat sa Pakikiisa Nebz. Si NJ at yung wife niya na RTC head Judge ang gumawa nun.

Desert Aquaforce said...

Bwahahaha... kilala ko ang linya ng thinking and defense mo ah.. sounds very familiar...

O sige na nga... hands-up nako... sige simbolismo lang pala tsaka oo nga hindi ka nagmention ng pangalan pero sino ba ang pinakamalusog? oo pala dami nga namang meaning ang malusog ano? Kaso huli ka sa tee-shirt...hahaha. tsaka ni research mo rin dahil nadiskubre na pinakamahal pala ung Moss Lipow...di ko rin un alam eh... Alam ko mga sunglasses sa bangketa na Made in China.

YanaH said...

natatawa ako.. may mga naliligaw na larawan!
at mas nakakatawa nitong mga nakaraang araw.. kung hindi pangalan ko ang naliligaw sa blog ng may blog.. pati pagmumukha ko nakapaskil na rin hahahaha

siguradong magiging kapana-panabik?! (tama ba naman yugn word ko?! hahaha) ang SAUDI EB..
abangan naman ang mga petyurs...

antawa rin ako kay CM..EB mag-isa sa palau ahihihi

Bomzz said...

Wow! naman mag kikita kita na ang mga batikang bloggers ng Saudi.. Enjoy.. kayong lahat.....


di na kami mag EB dito apat na kami bloggers dito araw2x kasama kulang na lang magkapalitan ng mukha..hahahah

enjoy said...

wow! ang sarap naman. sana dito rin sa singapore magkaroon ng EB. hehehe!

nga pala, may error talaga yung mga codes niyo even pati yung nominee badge kahit na html pa siya. but i've fixed it already and found a way of placing the logos in my page. kewl!

happy EB sa inyo :)

The Pink Tarha Girls said...

Awww! Sayang naman! The Pink Tarha girls are scheduled to visit the Eastern province a week after the EB. Late kami ng isang linggo! Hahaha!

Good luck on the EB. Sa susunod, dito naman sa Riyadh hah! :)

poging (ilo)CANO said...

hahahaha...

na-inggit kayo sa eb namin e noh!..joke..

from dubai to qatar, den sa saudi na..saan kaya susunod na eb? sa pinas na..grand EB..hang saya saya....

@manang jee,
payag ako sa suggestion ni chico.2 2 pis kayo 1 pis din kami. maluwag pa naman kulungan sa dubai eh kaya ayus lang...hehehe.

Mr. Thoughtskoto said...

*** NJ
Ang sabi ni Pope. ang magreact, totoo, kaya I am issuing a Statement. Ang may kaya, Mapera! Haha, wish makapunta ka sa Thursday, pero kung alanganin, sa Grand EB na lang natin. Magdala ka ng kahon kahon na sugpo ha. Salamat! lol!

***Yanah
Ganyan daw talaga pag sikat at kahit nanay na, bilog pa rin,(Peace! wahaha!) or palakaibigan ka lang talaga, kung di pangalan or link picture mo naman.

***
Boomz, ang ganda naman dyan sa Iraq, araw-araw kayo nag-EEB. hahaha, pero natawa ako dun sa halos magkapalit na ang mga mukha. Baka mapalitan mo ang mukha ni, ay wala palang identity yun.

Mr. Thoughtskoto said...

***Enjoy

Thanks for fixing it. I will try to include in the link of the WORDPRESS html today. Somehow, the code for nominee works fine with Blogger, but yes, you're right, it doesn't work that well in WP. Meron dyan sa Singapore, mag EB kayo nila DETH at CHER, at GASOLINE DUDE.

*** PINK TARHA GIRLS
Ay sayang naman, next week pa ang punta niyo? Di bale, if you wanna meet the Thoughtskoto family, give me a call ha, kita kits tayo para kwentuhan at mameet niyo rin si Mrs. Thoughtskoto, kikay din yun.
Di bale next time, kita kits tayo sa grand EB,

***Pogi

natawa kami dun kagabi nung nabasa namin ang comment mo na maluwag pa ang jail sa dubai. hehe. Dito sa Saudi expect na puro nakaabaya ang lahat, hindi kagaya dyan sa inyo na pwede walang abaya.

Dhianz said...

ang saya naman nang mga EB na yan... lookin' forward of meetin' some of d' bloggers den in the future... =)

awww... mamemeet moh si Kuya EJ aka Pajay... saya naman....post moh ang EB nyo ha... =)

ingatz... Godbless! -di

BlogusVox said...

Masayang pag-salosalo. Hay, mahirap talaga ng bagong dating galing pinas. Ang gulo pa ng bahay namin. Masaya sanang dumalo dyan.

Blow-out mo ba 'to 'Jie?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

©THOUGHTSKOTO