It feels like yesterday, tatay na tatay na talaga ako. Tumanda kami ng one fourth of one fifth ni Mrs. Thoughtskoto dahil sa kanya, pero walang kasing saya at ligaya ang makita siya at makalaro kahit pa halos mababaliw na ang Mommy niya sa kakaayos ng sala at ng kwarto, siya naman walang pagod at walang sawang nagkakalat dito at doon sabay sabing pasigaw ng "Bahhhhh!!" O ayan bulagaan daw kayo. Hehe.
One time natawa ako, kasi nag-aaway ang mag-ina. Sabi ng Mommy niya,
"ano ba, naiinis na ako ha, kanina pa ako sunod ng sunod sa pag-aayos ng mga kinakalat mo, kakaayos ko lang nito, kalat na naman!" Sagot ni Babytots, "tatata? tatataata? noto? tata? bah!!!
"Oo, ang dumi na ng room natin, ayaw ko na, ayaw ko ng ligpitin ang mga kalat mo." Sagot ng Mommy niya.
"Tatatatata! Ttaata! Papa! Dhada? Dada? tatata! tata! tada? daaada?" Sagot ng baby habang papunta saken at nagpapakandong.
Natawa kami. Di kaya ang ibig niyang sabihin ay
"Eh bakit ako ang laging napapagalitan, si papa, si dada, nagkakalat din ah. Sa kanya ko lang naman ginaya! Di ba dada?"
We survive one year, that why we are celebrating! Hehe Ayan, isang baka, kalabaw kambing, sandosenang manok, minus baboy ang handa namin dahil nakayanan namin magpalaki ng baby ng isang taon. Tara na, sama na buong pamilya, at celebrate natin ang birthday ng gawa at born in Saudi baby girl.
©2009 THOUGHTSKOTO

22 comments:
Happy Blessed 1st Birthday Baby Sofia. God bless you.
Hintayin mong 3 years old si Sofia at malalaman ni Shiela kung anong ibig sabihin ng makulit.
Happy Birhtday Baby!
Hehehe :D Ayos ah...Happy Birthday sa inyong magandang anak...
Happy Birthday Baby Thoughtskoto! Nakaka-touch naman ang invitation card. You're a lucky kid for having such thoughtful parents. May God bless and guide you always..
ha ha ha.naalala ko tuloy nung unang taon din ng beybi ko.ang kalat ng bahay.nakatutok lang kasi kami lagi sa kanya.
hapi birtdey sa unang taon!
@blogusvox,
natawa ako sa 3yrs...yana ng medyo pasaway na taon...ha ha ha.
wow kuya parehas pla tyo! mag wa one year old na din ung baby ko pero sa june pa! miss ko na nga e! mgkahiwalay kc kme!
wow kuya...may kainan pala eh..
teka punta ko jan ah..
magba-bike lang ako..heheh
happy birthday sa cute na cute na si hevyn! may you have more birthday's to come! :)
Happy birthday to Sofia! And congratulations on being good parents, Mr. and Mrs. Thoughtskoto! We're sure your daughter will be proud of you, the same way that you're proud of her.
God bless you! :)
May pakals pala..hehe Congrats! You must be proud parents to your beautiful "Katas ng Saudi"..
agree ako kay kuya ed... hintayin nyo amg 2 years... 3 years... 4 years... 5 years... hahahahahaha....
kung nababaliw na mrs thoughts ngaun.... ano pa kapag umabot na sa ganayng age si hevyn??? hindi lang sa kalat sya mawiwindang... pati an rin sa endless questions.. take it from me hehehehe
happy happy birthday hevyn!
Hello. How are you my friend? This is your classmate natalie.
I visit your blog it is very beautiful and nice. Try also
visit my Blog below:
Hot Movies
CollectionNBA Photos and
WallpapersSexy
Celebrities wallpapersDream Catcher of
destinationMovies film
BlogHOt Wallpapers
of CelebritiesNBA
GalleryHollywood
celebrities photosWallpapers
and Photos collectionlatest
Movies Gallery
Happy 1st Birthday kay Hevyn Sofia!! Ang ganda naman ng name mukhang made in heaven talaga hehehe. I wish her good health and huwag ng masyadong makulit hehehe. Next year mas makulit na yan kaya humanda na kayo ni Mrs. Thoughtskoto.
huwaaaaw!!! kamukha ni misis! (toinkz!)
Happy Birthday Babytots!
mas kukulit pa yan pag nalaman nyang sabihin ang NO... No... at No... tsaka Why... Why... Why...
sana lang di magsalita ng Wahid.. Itnaan.. Thalatha... yan! ahehehehe! lagot ka pag numbers ang unang malaman nyan! lolz!
Sorry Kenj unahin ko si Pareng Vox... Hahaha tumpak ka talaga... hayaan mo't darating din sila don... paiinumin nila si baby thots ng sleeping pills...ahahahaha.
Happy 1st birthday to Hevyn Sofia... Pahabol na lang yung styrobox ng sugpo...Hehehe
Thank you guys, hehe, binabasa ko ang mga comments while tumitili si Babytots.
Thank you sa mga pauna niyo na samin, we enjoyed it so much and someday, mababasa ni hevyn ang mga wishes niyo, at malalaman niya na makulit nga sia! hehehe
Thank you to all, I really hope, makapunta at magkasama sama tayo sa isang handaan.
Thank to all of you guys for your comments and greetings!
A Happy and blessed 1st Birthday to Hevyn Sofia - a very beautiful name, a 'heavenly gift' from Bro.
Aabangan pa namin ang mga susunod na kasiyahang dulot ni Sofia sa inyo sa pamamagitan ng blog na ito, tulad ng unang paglalakad, unang pagsasalita at iba pang nakakahibang na kaligayang dulot nya sa inyong buhay.
Huli na naman ako!!!! Happy birthday Babytot! I love her name. Sofia.
Salamat po sa invitation. And I promise to see the three of you either this weekend or any day next week.
D kasi ako makakadalo mamaya at me viaje ako sa Jubail. Paxnxia na po talaga.
Happy birthday, Babytot Shiela!
Happy birthday to Sofia!
happy birthday to babytots ;-)
Happy happy happy birthday to your baby daughter. Cheers!
salamat ng marami sa inyong mga comments!
Post a Comment